Mobile Home | Desktop Version




Masayang Salubungin ang 2010

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 31 Dec 2009




SARANGANI --- Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga ginigiliw kong mga kababayan, fans at mga tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan sa pagdating ng Bagong Taon na 2010. Ito na ang huli kong kolum sa taon na ito ng 2009 na lubhang naging kasing-laki ng nagdaang taon kaya naman malaki ang dapat nating ipagpasalamat.

Sa pagtatapos ng taon, ibinibigay ko sa Panginoong Diyos ang lahat ng papuri at pagpapasalamat dahil hindi Niya tayo pinabayaan at binigo at lahat ng ating mga panalangin ay Kanyang dininig. Kahit na medyo mahirap siguro ng kaunti ang naging buhay ng nakararami dahil na rin sa pandaigdigang krisis sa ekonomiya ng maraming bansa sa buong mundo, masasabi ko pa ring mapalad tayong mga Pilipino dahil sa pag-ibig ang palaging nasa ating puso.

Gaya ng sinabi ko at uulit-ulitin ko, walang tatalo at papantay sa lakas na ibinibigay ng ating Panginoong Diyos sa ating lahat sa pang-araw-araw at hindi kinakailangang mandaya upang matamo natin ang pinakamataas na karangalan na maaaring igawad sa isang atleta.

Lumaban ako ng dalawang beses ngayong taong ito at gaya ng taong 2008, nakuha na naman nating muli ang No. 1 pound-for-pound best fighter title sa buong mundo, ang walang-katumbas na titulo na pilit na inaagaw at kinaiinggitan sa atin ng lahat ng mga naghahabol sa korona at kahit na rin iyong mga panggulo na puro salita lang ang puhunan upang makakuha ng malaking laban sa pamamagitan ng pagsakay sa mga isyu na walang katuturan.

Nitong mga nagdaang mga araw, kahit na gusto nating maging masaya at mapayapa sana ang ating pagsalubong sa bagong taon, pilit tayong dinuduro, minamaliit at tinutuligsa ng ating mga kalaban sa susunod na taon. Kabilang na rito ang pamilyang Mayweather na nagmalabis na sa kanilang karapatan sa pananalita. Kasama na rin ang Golden Boy Promotions na umayon sa pagpaparatang sa akin na ako raw ay gumagamit ng steroids or performance enhancing drugs (PEDs). Nagsimula ang kanilang ingay matapos kong talunin si Ricky Hatton noong Mayo.

Hindi pa nakuntento si Floyd Mayweather Jr. at idinamay pa ang aking bansa sa paratang ng kanilang angkan! Ayon sa kaniyang tatay, ako raw ay gumagamit ng steroids. Noong Oktubre, si Floyd Jr. naman ay naglahad ng kaniyang masamang pananalita na lubos kong ikinagagalit. Naririto ang link sa interview kay Mayweather na maaari ninyong marinig sa inyong mga computer.

Medyo masagwa lang ang tabas ng dila ni Mayweather kaya hindi dapat marinig ito ng mga bata at ng mga menor-de-edad.

Hindi ko palalampasin ang kasalanang ito ni Mayweather, ang pag-aakusa sa bansa dahil sinabi niya na sa Pilipinas daw nagmumula (at ginagawa) ang mga magagandang steroids. Parurusahan at papapanagutin ko si Mayweather sa korte at maging sa ibabaw ng ring kung sakali mang kami ay magkakaharap. Dahil din sa mga kasinungalingang isiniwalat ng mga executives ng Golden Boy Promotions na may pakana ng marami sa gulong ito, aking patutunayan sa takdang panahon na hindi natutulog ang hustisya. Abangan! < http://philboxing.com/news/story-31938.html>

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025