
Salamat, Miguel Cotto
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 26 Nov 2009

MANILA—Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga ginigiliw kong mga kababayan, fans at mga tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod na kahit na ngayon pa lamang gumagaling ang mga sugat na tinamo sa laban ay lubhang maligaya na rin dahil nababakas at nakikita ko sa lahat ng mukha ng mga tao ang kaligayahan sa ating pagwawagi mga sampung araw na ang nakakaraan.
Para pa ring isang panaginip, itong pagkakapanalo natin noong November 14 sa bago at natatanging record ng boksing—ang ikapitong world title sa ikapitong magkakaibang weight class. Parang ngayon pa lang ako nagigising at namumulat sa aking gunita na nakuha ko na pala ang record sa boksing na wala pang nakakagawa sa buong kasaysayan ng sport.
Sino ba naman kasi ang makakapaniwala na matatalo natin ang Goliath ng boksing na si Miguel Angel Cotto, ang kampeon ng welterweight division, na inaasahang papasok sa aming laban na mas malakas dahil siya ay halos mas bata at lubhang mas malaki at matangkad sa akin.
Sa pagkakataong ito muli, gaya ng ilan sa aking mga nakaraang pakikipagtunggali, pinatunayan natin na kahit na mas maliit tayo sa laban ay walang papantay sa laki ng puso ng isang Pilipino.
Pinatunayan natin na hindi lang purong lakas ang ginagamit sa sport na ito kundi ang katalinuhan at ang sikolohiya ng pakikpaglaban. Kahit na maraming sakit ang nararamdaman, hindi ko ipinahalata sa laban na tinatablan din ako ng kaniyang mga suntok.
Dahil doon, napapaniwala natin si Cotto na hindi tinatablan ng kung kahit anong suntok si Manny Pacquiao at nagwagi tayo sa huli, sa ika-12 round ng sagupaan sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.
Nagawa nating lahat nito dahil na rin sa magkakadikit nating pananampalataya sa isa’t-isa at ang ating walang-kurap na pananalig sa Poong Maykapal, na siyang pinagmumulan at pinagmulan ng lahat ng mga biyayang ating natanggap bilang iisang bansa at iisang lipi.
Dahil naniwala ang marami sa atin na kaya nating talunin ang mga higante, gaya ng ating iba pang mga pagpapanalo kontra kina Oscar Dela Hoya, Ricky Hatton at David Diaz, tinitingala ngayon ang mga Pilipino sa buong mundo. Dahil sa ating pagsasama-sama sa loob ng ating mga silid at mga sinehan upang manood ng pay-per-view, itinuturing na ako bilang pinakamagaling na boksingero sa balat ng lupa at naungusan natin ang dating tinaguriang hari ng ring na si Floyd Mayweather Jr.. Pinatunayan natin na mas popular at mas sinubaybayan ang aming laban ni Cotto kahit na wala sa aming dalawa ang naging mayabang o nag-ingay upang maibenta lang naming ang show. Bagkus, naibalik namin ang magandang imahen ng boksing bilang isang gentleman’s sport. Malaking papuri at pasasalamat ko kay Miguel Cotto sa pagiging maginoo niya kahit sa gitna ng pagkatalo. I salute Mr. Cotto for making our fight one of the best fights of the year, if not the best.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
IBA embraces Bare Knuckle Boxing
Tue, 06 May 2025Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
Mon, 05 May 2025"THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
Sun, 04 May 2025Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
Sat, 03 May 2025