
Maraming, maraming, maraming salamat po
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 22 Nov 2009

SARANGANI—Magandang araw po ulit sa inyong lahat, kayong mga masusugid kong tagasubaybay, fans at mga kaibigan. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo. Sana, lubos ang inyong galak, buo ang inyong pagmamahal sa bayan at lalo ninyong ipinagmamalaki ang ating bansang Pilipinas at ikinagagalak na tayong lahat ay mga Pilipino.
Maraming, maraming salamat po ulit sa inyong lahat, sa lahat ng inyong dasal, pagmamahal at suporta at kung hindi dahil sa inyo, hindi ko po siguro kayang abutin ang mga bagay na atin nang natanggap at natatamasa sa kasalukuyan. Ikinararangal ko pong ipinapahayag sa inyo na ang inyong abang lingkod, ang inyong kababayang si Manny Pacquiao, ang kauna-unahang boksingero sa mundo na nakakuha ng kaniyang ikapitong titulo sa ikapitong magkakaibang weight division. Opo, ito ang bagong world record sa boxing.
Gaya ng ating inaasahan, naging mahirap para sa akin ang manalo kontra sa mas malaking kalaban na si Cotto, ang pambato ng Puerto Rico at ang dating tinitingalang kampeon ng mga welterweight. Inabot ng 12 rounds ang laban bago ito pinigil ng referee. Masayang-masaya ako dahil nakuha na natin ang isang record na sa tingin ko ay mahirap nang pantayan ulit sa larangan ng sport na ito. Sa wakas, nakamit na rin natin ang isa sa pinakamatayog na record sa boxing.
Mula nang lumaban ako bilang isang flyweight at naging kampeon ng 108 pounds division, nilampasan ko na ang ilang weight division upang maging kampeon ulit ng super-bantamweight division at ng featherweight division. Hindi ko ubos maisip na simula lang noong Marso ng nakaraang taon ay nakakuha pa ulit ako ng apat pang world titles sa super-featherweight, lightweight, junior welterweight at welterweight division. Bukod sa mga pagpapanalo ko laban sa mga kampeon na sina Juan Manuel Marquez, David Diaz, Ricky Hatton at Cotto, kasama rin nito ang pagbuwag ko sa imahe at alamat ni Golden Boy, Oscar Dela Hoya. Itong nakaraang isa’t-kalahating taon ang isa sa mga pinakamatinding taon ng aking boxing career kaya naman tama lamang na makapagbakasyon ako ng kahit kaunti.
Nandito po ako sa Sarangani province ngayon upang makapag-relax naman ng kaunti at makapiling ko rin ang aking pamilya, lalung-lalo na ang aking mga maliliit na mga anak na laging naiiwan kung ako ay lumalaban mula pa noong taong 2001 nang ako ay unang tumuntong sa America.
Labis po talaga ang hirap na dinanas ko sa laban na ito. Namaga po ang aking tainga at tiniis ko lahat ang sakit ng suntok na binitawan ng aking kalaban na talaga namang isa sa pinakamahirap kong nakalaban simula pa noong ako ay natutong magboksing. Malakas din talaga si Cotto, pero hindi ko ipinahalata na nasasaktan ako sa kaniyang mga suntok at bagkus ay pinag-ibayo ko ang aking pag-atake at ang pagpapanggap na hindi ako tinatablan ng kaniyang mga suntok. Ang tanging dahilan kaya ko nagawa at tiisin ang lahat ng ito ay dahil sa aking pagmamahal sa bayan at sa inyong lahat na alam kong umaasa sa aking pagwawagi. Hindi ko po kayo bibiguin — iyan ang aking pangako sa inyo noon at natutuwa akong ipahayag sa inyo: Mission Accomplished! Thank you very much, ulit.
Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All and our Country.
* * *
Top photo: Filipino boxing great Manny Pacquiao shows his championship belts as he is conferred the Order of Sikatuna, one of the highest awards given to diplomats and state leaders, by Philippine President Gloria Macapagal Arroyo during ceremony Friday Nov. 20, 2009 at the Quirino Grandstand in Manila, Philippines. Pacquiao made history in world boxing for winning seven world titles in seven weight divisions after defeating Miguel Cotto of Puerto Rico in their WBO welterweight fight Nov. 14. At left is Pacquiao's wife Jinky. (AP Photo/Bullit Marquez)
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025