Mobile Home | Desktop Version




HULING YUGTO NG TRAINING

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 29 Oct 2009



LOS ANGELES -- Magandang araw po sa inyong lahat mga ginigiliw kong tagasubaybay ng kolum na ito. Kumusta rin sa aking mga kaibigan, fans at mga kababayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Titindi pa ng titindi ang mga susunod na araw ng pagsasanay namin para sa “Firepower” na kinatatampukan ni Miguel Cotto ng Puerto Rico at ng inyong abang lingkod sa Nov. 14 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada. Nangangahulugan na 17 araw na lang pala ang natitira bago ang araw ng laban.

May tatlong araw na ang nakakalipas matapos kaming lumapag sa LAX (Los Angeles Airport) at sa aking pakiramdam ay unti-unti nang bumabalik ang aking normal na kundisyon ng katawan dala na rin ng jetlag. Medyo nahirapan kaming mag-adjust sa time difference ng Pilipinas at America kaya naman medyo kulang pa sa timing ang mga suntok.

Kanina, araw ng Martes, ako ay nag-spar ulit ng sampung rounds sa Wild Card gym ni coach Freddie Roach at masasabi kong maganda na rin ang aking kundisyon. Nakaharap ko ang tatlong sparring partners na nagpalit-palitan sa ibabaw ng ring. Masasabi kong maayos na ang aking lakas at resistensiya at mga ilang araw na lang ay susubukan naming mag-spar ng 12 rounds.

Wala na halos bakas ang jetlag hindi gaya noong Linggo at Lunes kung saan pinipilit kong huwag makatulog upang maitapat sa oras ng Los Angeles ang nakagawiang oras ng aking katawan. Sanhi ito ng bagay na kung umaga rito sa US ay gabi naman sa Pilipinas at umiikot din ang oras.

Nakaharap ko ang sumisikat na boxer na si Shawn Porter sa unang apat na rounds at maganda naman ang palitan namin ng suntok. Sa tingin ko ay kaunting adjustments na lang ang aming gagawin sa depensa at gagawin naming mas maayos ang paghahanda sa plano para kay Cotto.

Inaasahan namin, kasama ang aking coaching staff kabilang sila Buboy Fernandez, Nonoy Neri at Alex Ariza na magiging mahigpit ang laban dahil sa mabilis din at mas malakas sa akin si Cotto dahil mas malaki siya nang ‘di-hamak. Ako po kasi ay hindi naman talaga natural na welterweight at medyo maliit sa weight class na ito. Gayunpaman, susubukan kong sumabay sa lakas at bilis ng aking mga kalaban gamit ang ilan sa mga napag-aralan naming mga plano at technique upang talunin ang kampeon ng WBO.

Pilit ko pa ring pinapakain ang aking sarili ng mas maraming pagkain upang huwag pumayat kaagad dahil madali lang para sa akin na masunog ang lahat ng aking kinakain sa araw-araw.

Sana po ay ipagpatuloy natin ang pagdarasal para sa isa’t-isa para sa tagumpay nating lahat. Kayo pong lahat ang aking inspirasyon upang manalo sa laban na ito at kapag tayo ay sama-sama lalung-lalo na sa panalangin, walang makakatalo sa ating lahat.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

Top photo: Six-time world champion pound-for-pound king Manny "Pacman" Pacquiao, General Santos, Philippines hits the double end bag at the Wildcard Boxing Club in Hollywood Monday during his first day training since arriving in the United States on Saturday. Pacquiao is preparing for his upcoming "FIREPOWER" World Welterweight championship fight against three-time world champion and the pride of Puerto Rico Miguel Cotto, Caguas, Puerto Rico. Pacquiao vs Cotto is promoted by Top Rank, in association with MP Promotions,Cotto Promotions,MGM Grand and Tecate, will take place, Saturday,November 14 at the sold out MGM Grand in Las Vegas and will be available live on HBO Pay Per View. --- Photo Credit : Chris Farina - Top Rank.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
    Mon, 05 May 2025
  • "THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
    By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025
  • Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
    By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025
  • Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
    By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025
  • Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
    By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025
  • Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
    By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025
  • Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
    Sun, 04 May 2025
  • Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
    Sat, 03 May 2025
  • Press Conference Notes: Naoya Inoue-Ramon Cardenas & Rafael Espinoza-Edward Vazquez Top Monster World Championship Doubleheader Sunday in Las Vegas
    Sat, 03 May 2025