
MATEO 28:20
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 25 Oct 2009

MANILA — Good morning, good afternoon and good evening to all of my fans, friends and all those who read this column, wherever you may be. I hope all of you are fine, healthy and happy. If you are going to ask me how I am, I think I am quite ready to fight next week although there are still three more weeks and a lot of work to do before I step into the ring.
Habang binabasa ninyo ang kolum na ito ay malamang nasa himpapawid na ako patungong Los Angeles, California sa America upang doon ko maipagpatuloy ang pagsasanay at paghahanda para sa nalalapit na laban ko kontra sa welterweight champion ng WBO na si Miguel Cotto. Nakahanda na ang lahat sa November 14, sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.
Napapangiti ako habang sinusulat ko ang pagbati sa inyong lahat dahil ngayon ko lang sinimulan sa wikang Ingles ang aking column. Naalala ko kasi ulit ang aking pinanggalingan, at kung gaano na kalayo ang aking narating mula noong sumakay ako sa isang barko patungong Maynila noong ako ay bata pa. Musmos, gutom, walang pera, walang muwang sa buhay at mundo at ni hindi nga ako marunong magsalita ng Tagalog noon. Lakas ng loob lang at tiwala sa Panginoon ang aking armas. Likewise, I could even hardly speak English back then.
Dala na rin ng matinding pagsisikap at tulak ng pangangailangan, ginawa kong puhunan ang aking lakas, katawan, pawis at dugo upang makamit ko ang lahat ng mga biyayang ito. Mula sa aking simulain bilang isang maralitang hindi pinapansin ng karamihan ng aking mga kababayan hanggang sa pagiging sentro ng boksing at pinapanood ng halos lahat ng boxing fans ng buong mundo at halos lahat sa aking bansa, masasabi kong marami na rin ang nagbago.
Kailangan ko ngang hasain muli ang aking English-speaking skills kasi alam kong mapapalaban na naman ako sa mga interview at mga tanong ng international media pagdating ko sa US. Naaalala ko pa, noong mga unang laban ko sa US, kailangan pa na may kasamang interpreter para lang maitawid ko ang aking mensahe at sagot. Ngayon, hindi naman sa pagmamayabang, nakakasagot na rin akong mag-isa kahit na minsan ay nagkakamali pa rin. Gayunpaman, lubos din ang tuwa at respeto ng mga banyagang manunulat dahil nakikita nila ang aking improvement mula noong naging kampeon ako ng IBF super-bantamweight division higit sa walong taon na ang nakakaraan hanggang ngayon.
Sa aking pagbibilang, itong laban na ito ay ang ika-17 na pagsubok sa America at sa dami ng aking pinagdaanan sa kabuuan ng aking career, susubukan ko ring makuha ang isang pambihirang record, ang ikapitong world title sa ikapitong weight class. Mahirap na laban ito pero gagawin ko ang lahat para manalo.
Sinusulat ko itong kolum na ito matapos naming magsanay sa harap ng istatwa ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal sa Luneta. Nakakataba ng puso na ako ay tawaging “pambansang kamao” at sa ngayon ay pasan ko ang bawat hangarin ng lahat ng aking mga kababayan sa buong mundo na nasa 90 milyon. Kaya naman siryoso ako sa training upang maibigay at maibalik ko sa inyo ang karangalan. Sana ay palagi tayong magdasal para sa isa’t-isa at sama-sama tayong bumangon at maging isang mas malakas na bansa sa gitna ng maraming pagsubok sa ating mga buhay. Huwag nating kalimutan, ang Panginoon, laging nasa atin, kasama natin palagi, Mateo 28: 20.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
Photo: Pacquiao is being blessed by a priest during a farewell mass held inside at the Gerry Penalosa Gym in Mandaluyong City after Pacquiao's last workout Saturday afternoon. Photo by Dong Secuya.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025