Mobile Home | Desktop Version




Isang Buwan Na Lang

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 15 Oct 2009




BAGUIO CITY -- Magandang araw po sa inyong lahat, mga minamahal kong mga tagasubaybay, tagahanga, kaibigan at kababayan. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo.

Opo, isang buwan na lang ang bibilangin at magkakasubukan na kami ng lakas, bilis at talino ni Miguel Angel Cotto, ang kampeon mula sa Puerto Rico na aking makakaharap sa November 14, sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada. Excited na akong lumaban ulit.

Nandito pa rin kami sa Baguio City at maganda naman po ang takbo ng pagsasanay namin upang paghandaan ang mas malaki at mas malakas na welterweight champion ng World Boxing Organization. Salamat naman at medyo humupa na ang mga pag-ulan kaya naman nakakatakbo na ako sa umaga. Minsan, dahil sa baha at bagyo dito sa Summer Capital ng Pilipinas, napilitan akong mag-swimming na lang sa pool sa loob ng hotel kapalit ng jogging sa umaga. Hindi naman po masama ang swimming, bagkus ay maganda at kumpletong exercise din ito kaya naman walang complaint ang aking training team sa pangunguna ni coach Freddie Roach at sila Buboy Fernandez, Nonoy Neri at Alex Ariza.

Dumating din ang dalawa pang sparring partner na pumalit kay Urbano Antillon at tutulong kay Shawn Porter sa pagsasanay namin upang mapag-aralan lalo ang estilo ni Cotto.

Ok naman ang ipinakita ng dating kampeon na si Jose Luis Castillo na kararating lamang galing sa America. Medyo naantala ng kaunti ang kanilang pag-akyat sa Baguio dahil na rin sa pagkasira ng lahat ng mga daan patungo dahil sa baha na dala ng malakas na bagyong ‘Pepeng.’

Maraming salamat sa aking kaibigan na si Chavit Singson na nagpahiram ng kaniyang private plane, upang mailipad ang mga bagong sparring partners na magbibigay sa akin ng panibagong pagsubok. Sa mga darating pang araw ay madaragdagan na ang bilang ng sparring rounds habang patindi na ng patindi ang training sa Shape Up gym sa loob ng Cooyesan Hotel.

Kulang nang dalawang linggo at lilipad na kami papuntang America sa October 24, ngunit bago pa man, magsasanay ako ng isang araw sa Wild Card gym sa Paranaque. Sa susunod na dalawang linggo, mula October 26 hanggang November 8, doon na kami sa Los Angeles magte-training sa Wild Card gym sa Hollywood at mula roon ay dederecho na kami sa Las Vegas.

Marami pang dapat gawin sa training at sa aking pakiramdam ay marami pang puwang upang lalong gumanda ang aking kundisyon sa laban. Kahit na wala naman akong problema sa timbang, sa tingin ko ngayon ay nasa 70 percent pa lang ako sa pagkahanda. Ayos lang iyan dahil hindi naman tamang mag-peak ako ng maaga dahil hindi maganda iyon.

Sana po ay ipagpatuloy pa rin natin na magdarasal para sa isa’t-isa at palagi ko kayong iniisip at isinasama sa aking mga panalangin. Kayo pong lahat ang aking inspirasyon at hindi ako magpapabaya.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025