
Mas Matinding Pagsubok
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 11 Oct 2009

BAGUIO CITY—Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga minamahal kong kababayan. Kinukumusta ko kayong lahat lalung-lalo na ang mga lubos na naapektuhan ng baha at landslide sa maraming lugar sa Luzon dulot ng dalawang magkasabay na bagyong Ondoy at Pepeng.
Gaya ng dati, nakikiramay ako sa inyong lahat, doon sa mga naulila at sa mga nawalan ng mga mahal sa buhay. Sa mga bikitima ng pagkalunod at mga landslide, nawa ay mabigyan kayo ng isang disenteng burol. Doon sa mga kababayan kong nawalan ng mga bahay dala na rin ng tubig-baha, sana ay mailikas kayo sa isang lugar na hindi mapeligro at ligtas.
Nararamdaman ko ang inyong kalungkutan, iyong mga magsasakang inanod ang kanilang mga alagang hayop o di kaya ay inabot ng tubig ang kanilang mga palay na sana ay aanihin na lang sa mga panahong ito. Doon sa mga taong stranded dahil hindi pa makalusot kahit ang malalaking sasakyan, kaunting tiis pa. Sa mga ibang taong gustong magsamantala sa sitwasyon ng kahirapan, sana ay mag-isip-isip naman kayo at magbigay kayo ng kaunting puwang sa inyong mga puso. Sa mga taong may kakayahan na tumulong, sana ay kapit-bisig tayo sa pag-alalay sa ating mga kababayan na nangangailangan.
Matinding pagsubok pa ang ating haharapin sa daraan pang mga araw dahil na rin sa mga magkasunod na bagyong dumating sa ating buhay. Milyon-milyong halaga ng ari-arian, kasangkapan at produkto ang nawala at napinsala at maraming bagay ang hindi na natin maibabalik. Talagang marami pa tayong dapat gawin upang maibalik natin ang dati nating sigla.
Gaya ko rin, may matindi akong pagsubok na dapat tawirin at lusutan. Sa November 14, sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, kakalabanin ko si Miguel Cotto, ang kampeon ng welterweight division at isang boksingerong hindi basta-basta. Mas malaki si Cotto at mas malakas. Hindi rin siya mabagal at matalino rin sa laban. Hindi madali ang laban na ito.
Dahil ako ang challenger sa korona, kinakailangan kong dalhin ang laban sa kampeon at dapat lang na maipakita ko ang aking kahandaan upang makopo natin ang ikapitong magkaibang dibisyon na siyang magiging bagong world boxing record, kung tayo ay papalarin.
Matinding pagsubok ito dahil bukod sa malaki, mabilis at malakas si Cotto, inaasahan ding matindi ang kaniyang resistensiya dahil mas bata siya sa akin ng kaunti. Magandang bakbakan ito.
Tiwala ako sa Pilipino, sa ating katatagan at kakayahan na suungin ang mga pagsubok ng buhay. Malaki ang aking paniniwala na ang mga bagay na ating hinaharap ay pansamantala lang. Alam kong walang bagyo o kalaban ang makakapagpatumba sa magiting na Pilipino at asahan ninyo, palagi ako sa inyong mga tabi upang maibigay ko ang kahit na maliit na tulong na nagmumula sa aking puso. Sa labang ito, kayong lahat ang aking inspirasyon. Let us continue to pray for each and everyone.
Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
Top photo: Filipino World Boxing Organization (WBO) super lightweight champion Manny Pacquiao (R) practises inside a gym in Baguio city, north of Manila September 21, 2009. Pacquiao, arrived in Baguio city on Sunday to start four weeks of training in preparation for his fight with Miguel Cotto of Puerto Rico on November 14 at the MGM Grand Arena in Las Vegas, Nevada. REUTERS/Romeo Ranoco (PHILIPPINES SPORT BOXING).
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
Tue, 16 Dec 2025TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
Tue, 16 Dec 2025JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
Tue, 16 Dec 2025Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
Tue, 16 Dec 2025INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
Mon, 15 Dec 2025Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025