
Kasiyahan sa Pagtulong
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 08 Oct 2009

BAGUIO CITY -- Kumusta po kayong lahat mga minamahal kong tagasubaybay at mambabasa ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan habang binabasa ninyo ito. Kasalukuyan pa rin akong naghahanda para sa susunod na laban sa November 14 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada kontra sa welterweight champion na si Miguel Cotto.
Patindi na nang patindi ang ensayo at kulang-kulang na sa 40 araw bago ang laban, kaya naman seryosong training na ang nasa isipan ko. Kahit na lubos na mahirap ang training ay kailangan kong lusutan ang lahat ng pagsubok upang ako ay magiging 100 percent na handa pagdating ng takdang araw.
Nasa isipan ko palagi ang lahat ng aking mga kababayan at diyan nanggagaling ang ilan sa mga inspirasyon upang lalo kong mapag-ibayo ang pagpupursigi na maihanda ang aking katawan at isipan upang labanan ang isang dambuhalang kalaban mula sa Puerto Rico.
Kahit na nasa gitna na kami ng training, hindi naman ako nakakalimot sa mga kababayan kong naghihirap ngayon dahil na rin sa epekto ng bagyong si Ondoy na nanalasa sa maraming bahagi ng bansa. Pagkatapos ng isang araw ng training ay kumukuha ako ng impormasyon mula sa mga tao na tumutulong sa mga taong naapektuhan ng sakuna noong isang linggo.
Dahil hindi ko maaasikaso ang lahat ng mga bagay ukol sa pagtulong sa aking mga kababayan, nagbigay ako ng donasyon sa Kapuso Foundation ng GMA-7 upang magamit nila itong pondo sa pagpapamudmod ng kaunting tulong sa mga biktima. Pero nitong Linggo, pinilit ko talagang bumaba mula sa training camp sa Baguio upang personal na pangasiwaan at pamunuan ang pagbibigay ng simpleng kasiyahan sa mga nasalanta ng bagyo.
Isa sa mga matitinding tinamaan ng bagyo ay ang lugar ng Angono sa Rizal at iyon ang aming pinuntahan kasama ng ilan sa aking mga kasama sa team at pati na rin sa aking show sa TV. Bakas sa mga mukha ng mga tao ang pagod, gutom at kalungkutan, pero sa maliit na pagkakataon ay nagawa ko silang pasayahin at mabigyan man lang ng kaunting ngiti ang kanilang mga mukha. Alam ko ang nararamdaman ng karamihan sa inyo at alam ko na minsan ay nawawalan na rin ng pag-asa ang iba. Kaya naman mahalaga para sa akin na palakasin ang inyong mga kalooban na sa kabila ng lahat ay makakaahon tayong lahat sa mga suliraning ito.
Kasama ng aking Manny Pacquiao Foundation dito sa Pilipinas at sa Amerika, nangalap din ako ng tulong mula sa aking mga kababayan na magbigay ng kaunting bahagi ng kanilang sarili at maumpisahan natin ang tulungan at maisabuhay nating muli ang bayanihan spirit na minsan ay naging bahagi ng ating mga buhay. Natutuwa ako sa pagdagsa ng suporta lalung-lalo na iyong mga manggagaling sa US at ayon sa aking nabalitaan ay may tatlong 40-foot container na ang paparating para maipamudmod sa lahat ng nangangailangan. Lubhang kasiya-siya ang pakiramdam kapag ikaw ay nakatulong at marami sa atin ang nagtutulungan.
Sana po, ituloy natin ang nasimulan nating mga proyekto. Marami pa tayong dapat gawin at hindi nagtatapos dito ang ating gawain. Let’s continue to pray for each other.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
Top photo: Filipino World Boxing Organization (WBO) super lightweight champion Manny Pacquiao practises inside a gym in Baguio city, north of Manila September 21, 2009. Pacquiao, arrived in Baguio city on Sunday to start four weeks of training in preparation for his fight with Miguel Cotto of Puerto Rico on November 14 at the MGM Grand Arena in Las Vegas, Nevada. REUTERS/Romeo Ranoco (PHILIPPINES SPORT BOXING)
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
IBA embraces Bare Knuckle Boxing
Tue, 06 May 2025Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
Mon, 05 May 2025"THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
Sun, 04 May 2025Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
Sat, 03 May 2025