
So Far, So Good
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 04 Oct 2009

BAGUIO CITY — Kumusta po ulit sa inyong lahat, mga ginigiliw kong mga kababayan, fans at tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon.
Katatapos ko lang kanina na mag-spar ng limang rounds kasama ang aking sparring partners na sina Shawn Porter at Urbano Antillon at masasabi kong medyo gumaganda na ang aking kondisyon at kilos. Laban sa mas malaki at mas malakas na si Porter, medyo nagustuhan naman ni coach Freddie Roach ang aking ipinakita kahit na may halos anim na linggo pa ang nalalabi bago ako sumabak sa laban kontra kay Miguel Cotto ng Puerto Rico.
Tatlong rounds kami nagsubukan ng lakas ni Porter at naging seryoso ang sparring kung ikukumpara sa mga nangyari noong Huwebes, kung saan marami ang nanood na mga miyembro ng media mula pa sa Manila at pati na rin iyong ibang mga locals.
Sumunod nito ay nag-spar din kami ng dalawa pang rounds ni Antillon na naging sparring mate ko na rin noong isang training camp.
Habang isinusulat ito, naghahanda kami sa pagbaba sa Manila at sa oras na binabasa ninyo ang kolum na ito, marahil ay nasa mga lugar na kami ng mga lubhang naapektuhan ng Bagyong Ondoy na nanalasa sa maraming bahagi ng Kamaynilaan at sa maraming bahagi ng Luzon.
Nangangako ako na pagbubutihin ko ang paghahanda kontra kay Cotto at sa November 14, sa MGM Grand Garden Arena, sa Las Vegas, Nevada, ipaglalaban ko kayong lahat upang sa aking maliit na pamamaraan ay mabigyan man lang kayo ng kaunting kasiyahan.
Nakahanda na ang mga bag na naglalaman ng pagkain at ilang pangangailangan na aking ipamumudmod sa mga naghihikahos na mga kababayan. Alam ko po ang inyong dinaramdam at nararamdaman dahil minsan, ako rin ay naging isang palaboy at nagutom dahil ako po ay nagmula rin sa kahirapan.
Pinagbubuti ko ang paghahanda sa labang ito dahil alam ko na kailangan nating lahat ng inspirasyon upang makabangon ulit sa kahirapan at alam ko na lubhang masakit ang sinapit ng iba nating mga kababayan na nawalan ng bahay at namatayan ng mga kamag-anak.
Kaya naman kahit na medyo nakakapagod at kahit na galing ako sa pagod mula sa training, pipilitin kong makita kayong lahat at makapiling ng kahit na kaunting sandali, dahil kinabukasan ay babalik ulit ako dito sa Baguio City upang ipagpatuloy ko ang training.
Marami pang dapat gawin sa paghahanda at wala pa ako sa sapat na kondisyon ng pangangatawan. Matagal pang panahon ang bubunuin namin ni coach Freddie at ng aking team upang maabot namin ang pinakamagandang kundisyon sa Nobyembre. Sana ay tuluyan nating ipagdasal ang isa’t-isa upang makalusot tayong lahat sa mga pagsubok na ito.
Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
Top photo: World Boxing Organization (WBO) super lightweight champion Manny Pacquiao of the Philippines performs shadow boxing at the Burnham park in Baguio city, north of Manila September 21, 2009. Pacquiao arrived in Baguio city on Sunday to start their four-week training in preparation for his fight with Miguel Cotto of Puerto Rico on November 14 at the MGM Grand Arena in Las Vegas, Nevada. REUTERS/Romeo Ranoco.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
Tue, 16 Dec 2025TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
Tue, 16 Dec 2025JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
Tue, 16 Dec 2025Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
Tue, 16 Dec 2025INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
Mon, 15 Dec 2025Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025