Mobile Home | Desktop Version




Babangon Tayong Lahat Muli

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 01 Oct 2009



BAGUIO CITY -- Magandang araw po ulit sa inyong lahat mga giliw kong tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon. Isang mainit na pagbati rin ang aking ipinapaabot sa aking mga kababayan sa Luzon, lalung-lalo na sa mga nasalanta ng trahedyang dumating sa ating mga buhay nitong nakaraang linggo.

Papasok na ako sa kalagitnaan ng training para sa napipintong laban namin ni Miguel Angel Cotto ng Puerto Rico sa Nov. 14 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada. Nitong Martes, nagsimula na akong mag-spar kontra sa mga mas malalaking sparring partners na kagagaling lamang mula sa United States. Gaya ng lahat, naapektuhan din ang aking mga sparring partners dahil sa bagyong sumapit sa Pilipinas, si Typhoon Ondoy.

Malaki ang nakataya sa labang ito sa Nov. 14 at maraming mga bagay ang nais kong makamit sa laban na ito kaya naman puspusan ang aking paghahanda at sinisiguro kong hindi ako magpapabaya sa laban. Alam kong matindi rin ang paghahanda ni Cotto kaya naman hindi ako nagkukumpiyansa sa training at lalo kong pinag-iibayo ang preparasyon ko.

Ngayong araw ay darating naman ang aking promoter na si Bob Arum kasama rin ang crew ng HBO upang kumuha ng mga footages sa training at makita rin nila ang ganda ng Baguio, ang summer capital ng bansa. Kasama rin diyan ang mga kinatawan ng media sa buong bansa at bubuksan namin ang gym upang masilayan ng lahat ang training ko.

Humihingi pala ako ng paumanhin sa marami sa inyo dahil talagang mahigpit ang security sa gym dahil na rin sa kagustuhan naming makapag-concentrate sa training kasama ang aking coach na si Freddie Roach at ang aking mga trainers sa sila Buboy Fernandez, Nonoy Neri at Alex Ariza, kasama na rin ang lahat ng mga miyembro ng Team Pacquiao.

Susubukan kong bumaba sa Manila sa Linggo upang personal na makita kayong lahat at makapagbigay man lang ulit ng kahit na maliit na saya, dahil alam ko at nararamdaman ko ang inyong pagdadalamhati at kalungkutan sa mga panahong ito. Sa mga nasawi sa bagyong Ondoy, nakikiramay ako sa inyo at sana naman ay maibsan ko ang inyong nararamdaman.

Susubukan kong mamigay ng mga pagkain, gamot, tubig, at mga damit sa mga nasalanta ng bagyo at makakasama ko ang aking pangkat. Pipilitin kong puntahan kayong lahat pero dahil na rin sa iisa ang aking katawan, hindi ko maipapangako na makikita ko kayong lahat. Kailangan ko ring bumalik sa Baguio kinabukasan upang ipagpatuloy ang training.

Mas lalo akong nasasabik at lalo akong lalaban ng matindi para sa inyong lahat sa kabila ng trahedyang ito upang ang aking pagpapanalo sa ring ang makapagbigay man lang ng maliit na kasiyahan sa inyong lahat. Ipinapanalangin kong sana ay maibalik natin ang sigla ng ating mga buhay kahit sa maliit na pamamaraang ito. Alam kong likas sa ating mga Pilipino ang nakakabangon sa mga pagsubok ng buhay at naririto ako palagi para bigyan kayo ng kasiyahan.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

Top photo: Flood victims wade through floodwaters brought on by Typhoon Ondoy last weekend in the Philippines.

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
    Tue, 16 Dec 2025
  • TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
    Tue, 16 Dec 2025
  • JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
    Tue, 16 Dec 2025
  • Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
    Tue, 16 Dec 2025
  • INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
    Mon, 15 Dec 2025
  • Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
    By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025
  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025