Mobile Home | Desktop Version




Rod Nazario: Pagpanaw ng Isang Ama

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 27 Sep 2009



BAGUIO CITY — Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga minamahal kong tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo.

Kung ako po ang inyong tatanungin, maayos naman po ang kundisyon ng aking katawan, pero medyo matamlay ako dahil na rin sa pagpanaw ni Rod Nazario, ang dati kong manager at ang taong malaki ang nagawa para sa akin bilang isang tao at boksingero.

Nitong linggong ito, matinding pagluluksa at kalungkutan ang aking nadama sa pagpanaw ng taong itinuring kong pangalawang
ama, isang taong malaki ang aking respeto at ang taong naging susi upang makuha ko ang malaking break sa itaas ng ring. Bukod sa ninong ko sa kasal si “Ninong” Rod, siya ang isa sa mga taong nagbukas ng aking isipan sa maraming bagay dito sa mundo, hindi lang sa larangan ng boxing, kundi pati na rin sa buhay. Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit ko tinatamasa ang karangalan at kasaganahan ng buhay at ang kanyang pagpanaw ay isang kawalan sa aking buhay.

Kahit na naghahanda ako sa isa sa pinaka-importanteng laban ng aking boxing career kontra sa kampeon ng welterweight division na si Miguel Angel Cotto ng Puerto Rico, hindi ko pa rin matanggap na wala na sa mundo si Ninong Rod, ang taong naging bahagi ng aking buhay.

Maraming mga kuwento at ala-ala ang habambuhay kong aalalahanin mula noong una kong makilala si Ginoong Nazario; mula noong una akong maging kampeon sa flyweight division sa Thailand hanggang sa talunin ko si Lehlo Ledwaba sa Las Vegas at itinumba ko si Marco Antonio Barrera sa San Antonio, Texas. Sa gitna ng lahat, si Ginoong Nazario ang isa sa mga taong naniwala at sumuporta sa akin. Siya rin ang gumawa ng mga tamang desisyon para sa aking career kahit na maraming tao ang hindi naniwala na kaya kong gawin ito.

Noong isang linggo, bago ako umakyat dito sa Baguio City upang
magsimulang magsanay, binisita ko pa si Ninong Nazario sa ospital kung saan siya naka-confine at napansin ko ang luha sa kaniyang pisngi.

Pinunasan ko pa nga ang mga luhang ito at hindi sumagi sa aking isipan na iyon na pala ang huli naming pagkikita. Pumanaw siya sa edad na 74 at nakikiramay ako sa lahat ng naulila niya. Dalawang kahilingan mula kay Ninong Rod ang aking naalala at isa dito ay ang kaniyang hiling na talunin ko raw si Cotto sa November 14, sa aming paghaharap sa MGM Grand Arenea ng Las Vegas. Ang ikalawa ay ang pagbibigay ko ng break sa kanyang boxer upang makuha rin niya ang pagkakataon na sumikat, gaya ng break na aking nakuha noong siya pa ang aking manager.

Kaya naman puspusan ang aking paghahanda dahil pareho kong tutuparin ang mga kahilingang ito ng isang taong naging malapit sa aking puso.

Sa araw ng laban, alam kong narooon siya upang ako ay suportahan kahit wala na siya sa mundo. Bawat suntok na aking bibitawan ay para sa iyo, gaya rin ng inspirasyon na nakukuha ko mula sa inyong lahat. Ninong Rod, May You Rest in Peace.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

Top photo: The late Rod Nazario (2nd from left) plays chess wih Manny Pacquiao in May last year.


This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • IBA embraces Bare Knuckle Boxing
    Tue, 06 May 2025
  • Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
    Mon, 05 May 2025
  • "THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
    By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025
  • Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
    By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025
  • Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
    By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025
  • Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
    By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025
  • Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
    By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025
  • Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
    Sun, 04 May 2025
  • Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
    Sat, 03 May 2025