
Pigilan Ang Coal-Fired Power Plant sa Maasim
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 24 Sep 2009

BAGUIO CITY — Good morning, good afternoon o good evening. Iyan po ang aking pagbati sa inyong lahat, mga ginigiliw kong kababayan, saan man kayo naroroon sa mundo.
Tuloy pa rin po ang laban nating lahat. Sa aking pagbibilang, may 52 araw na lang ang nalalabi bago ako sumabak sa pinakamahirap kong hamon sa Nov. 14 kontra kay Miguel Angel Cotto ng Puerto Rico at sa pagdating ng linggong ito, masasabi kong maganda na ang aking pakiramdam sa paghahanda. Kumpleto na ang Team Pacquiao dito sa Baguio at masaya ang training camp sa pangunguna ni Coach Freddie Roach at ng aking mga trainers.
Pero kahit na ako po ay puspusang nag-eensayo para sa laban sa Las Vegas, hindi pa rin ako tumitigil sa pag-monitor ko sa ilang mga kaganapan sa bansa, lalung-lalo na sa aking bayan.
Lubha akong nababagabag sa balitang magtatayo raw ng isang 20 megawatt na Coal-Fired Power Plant sa Maasim, sa Sarangani Province at ngayon pa lang ay ihinahayag ko ang aking pagtutol sa pagtatayo nito dahil na rin sa mapinsalang dulot ng ganitong uri ng power plant.
Habang unti-unti nang itinitigil at isinasara ang ganitong uri ng mga power plant sa maraming bahagi ng mundo kabilang na ang United States dahil na rin sa masamang epekto nito sa kapaligiran, tayo naman ay tuluyan pa ring nagtatayo ng mga bagong planta.
Nangako po ako, bilang Chairman ng Task Force Luwas Kinaiyahan sa buong Mindanao, na pangangalagaan ko ang lupang aking kinagisnan, ang lupang nagbigay sa akin ng lakas at ang kalikasan na bumubuhay sa ating lahat. Sumumpa ako na pangangalagaan ko ang mga karagatan at hindi ko pahihintulutan na dumihan ng sinuman ang hangin na ating nilalanghap.
Sa pagtatayo ng Coal-Fired Power Plant na wala man lang pahintulot mula sa mga mamamayan ng Maasim, at sa panganib na idudulot nito sa lahat kontra sa interes ng iilang mga makapangyarihang pamilya, sasamahan ko ang mga grupo ng simbahan, mga lumad, mga katutubo, mga miyembro ng akademya, mga Muslim at mga youth upang tutulan ang pagtatayo ng plantang ito.
Ayon sa pagsusuri, ang fossil-fueled power stations ang pangunahing pinanggagalingan ng mapinsalang greenhouse gases (GHG) na sumisira sa kapaligiran na nagdudulot ng global warming may 100 taon na ang nakakalipas. Dahil dito, ipinatitigil na ang operasyon ng ilan sa mga dambuhalang coal-fired power plant gaya ng 1,580 MW Mojave Power Station sa Laughlin, Nevada mula pa noong 2005. Ang pagsunog ng coal ay pangunahing sanhi rin ng acid rain at ang polusyon ng hangin na ating lalanghapin.
Maraming mga iba pang pagmumulan ng kuryente na hindi naman makakapinsala sa kapaligiran at iyan ang dapat nating pagtuunan ng pansin. Ang solar energy ay isa sa mga malinis at mas mainam na panggagalingan ng enerhiya bukod pa sa ibang likas na pinagmumulan.
Habang ako ay lumalaban para sa bayan sa bawat pagsabak ko sa ibabaw ng ring, ako rin ay lalaban para sa kinabukasan nating lahat at sa darating pang mga henerasyon. Sana, sama-sama tayong lahat sa panalangin para sa ating mga sarili.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
Tue, 16 Dec 2025TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
Tue, 16 Dec 2025JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
Tue, 16 Dec 2025Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
Tue, 16 Dec 2025INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
Mon, 15 Dec 2025Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025