
Patuwarin, Patawarin si Mayweather?
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 20 Sep 2009

MANILA—Magandang umaga, magandang hapon o magandang gabi sa inyong lahat, kung saan man sa mundo kayo abutin ng aking pagbati, isang pagpupugay mula sa inyong abang lingkod na ngayon ay nagsisimula nang maghanda para sa nalalapit na laban sa Nobyembre 14.
Nasa tamang timing ang lahat at nitong huling isang linggo, unti-unting bumabalik na ang aking “hangin,” iyong resistensiya na nagbibigay sa akin ng lakas upang tumagal sa ibabaw ng ring.
Sa simula, dahil matagal akong hindi nakapag-ensayo, parang puputok ang aking mga baga sa sakit pero ngayon, maganda na ang aking pakiramdam kapag nagja-jogging ako sa umaga dito sa Maynila.
Opo, simula noong nanggaling kami sa United States at Puerto Rico upang i-promote ang aming laban kontra kay Miguel Angel Cotto ng Puerto Rico noong isang linggo, nagumpisa na akong magtatakbo sa umaga upang maibalik ko sa dati ang aking kundisyon upang pagdating ng susunod na linggo ay tuluy-tuloy na ang puspusang paghahanda para sa laban sa Las Vegas, Nevada, sa gitna ng malawak na MGM Grand Garden Arena.
Dumating na sa bansa ang aking makakasama sa umaga na si “Pacman,” ang aso ko mula sa America, na siyang palagi kong kasama sa takbuhan.
Siya, ang asong maliit, ang ilan sa mga magiging kasama ko sa paghahanda laban sa kampeon ng mga welterweight na si Cotto.
Paparating na rin si coach Freddie Roach mula sa US kasama ang aking strength and conditioning coach na si Alex Ariza at isa sa apat na magiging sparring partners ko sa katapusan ng linggong ito. Ako naman po ay aakyat ng Baguio , ang sentro ng training camp sa Pilipinas, sa araw ng Linggo, upang doon na mag-ensayo sa susunod na apat na linggo pa.
Alam ko pong marami sa inyo ang concerned na baka sobra na naman ang magiging dami ng mga distractions sa training camp gaya ng pagdagsa ng mga tao sa Baguio upang ako ay panoorin at suportahan.. Natural lang na halos lahat ng tao ay gusto akong panoorin na personal sa aking pag-eensayo pero, ibinibigay ko na sa aking coach ang pagbibigay ng pahintulot sa mga tao. Mahalaga para sa ating lahat na makapag-concentrate ako sa training upang buo ang ating focus sa laban.
Kamakailan nga pala ay napanood ko sa video sa internet ang nakakatawa at nakakainis na paratang sa akin ni Floyd Mayweather Sr. hinggil sa diumano’y pag-inom ko raw ng steroids. Natatawa ako dahil hindi ko po talaga alam kung ano ang hugis o kulay ng isang tableta na naglalaman ng steroids. Naiiinis naman ako dahil mali ang paratang na ito at lubos na kasinungalingan ang lahat. Hindi ko lubos maisip na sa kabila ng lahat, mataas pala ang pagtingin sa akin ng tatay ni Floyd Mayweather dahil hindi siya makapaniwala na nagmumula sa kanin, malunggay, papaya at sabaw ng nilagang baka o manok ang kakaibang lakas na hindi pa niya nakikita. Nakakaaliw panoorin itong si Mayweather na gawing katawa-tawa ang kaniyang sarili sa kaniyang kahangalan. Marahil, gimik lang ito sa kanya para makapagbenta ng kaunti pang ticket ang laban ng kanyang anak sa Linggo (Sabado sa America).
Patawarin ba o patuwarin?
I will file a defamation suit against Floyd Mayweather Sr. soon, as soon as everything gets settled and I will not let this become a distraction when I will train. Let us wait until next week.
Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
IBA embraces Bare Knuckle Boxing
Tue, 06 May 2025Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
Mon, 05 May 2025"THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
Sun, 04 May 2025Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
Sat, 03 May 2025