Mobile Home | Desktop Version




Respeto para kay Cotto

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 13 Sep 2009



NEW YORK -- Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga ginigiliw kong mga tagasubaybay, kaibigan, fans at sa lahat ng sumusuporta sa akin.

Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod na magsisimula nang mag-ensayo muli.

Malugod akong bumabati sa inyo mula pa sa New York, New York kung saan kami unang lumapag dito sa America upang umpisahan ang kauna-unahan sa limang siyudad na aming patutunguhan. Sa oras na binabasa ninyo ang kolum na ito, marahil ay tapos na ang yugto ng aming East Coast "Firepower" Media Tour ni Miguel Angel Cotto at nasa West Coast na kami upang i-promote ang aming laban sa November 14, 2009 sa malawak na MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Dalawang sunod na araw na akong nagja-jogging sa Central Park ng New York at sa araw ng Biyernes, kahit na bumubuhos ng kaunti ang ulan, pinilit ko pa ring tumakbo upang maibalik na ang hangin sa aking baga.

Mahigit isang oras akong tumakbo sa araw na ito at sa aking palagay ay ito ang isa sa pinakamatagal na jogging sa aking pagte-training simula pa noong ako ay nagsimulang lumaban. Parang sasabog ang aking baga dahil matagal-tagal na rin ako hindi tumatakbo dahil na rin sa mahigpit at matinding schedule ko nitong mga nakaraang buwan.

Hindi ko lubos na natantiya na ubod pala ng lawak ng Central Park at kaya naman lalong humaba ang aking tinakbo ay dahil na rin sa nawala at nahulog ang aking cell phone, kaya naman bumalik ako at nahanap ko naman muli ito, salamat sa Diyos.

Bago kami tumulak papuntang Puerto Rico, marami kaming iba pang ginawa kasama ang kampo ni Cotto at marahil ay nabasa o nalaman na ninyo na nag-umpisa kami sa Yankee Stadium sa New York.

Sa kauna-unahang paghaharap namin at pagsusukat ng height, napansin kong hindi naman gaanong matangkad si Cotto. Malapad lang talaga ang kanyang katawan, marahil dahil nagsisimula pa lang kami sa training. Napansin ko rin na gaya ko, isa rin siyang mabait na tao kahit na pareho kaming boksing ang pangunahing pinagmumulan ng kinikita. Sinundan pa ito ng mga mahahabang oras ng taping ng mga promotional segments namin ni Cotto sa mga studio ng HBO.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ang HBO ay gumawa ng isang "pampagana" kung saan kaming dalawa ni Cotto ay nagkaharap sa isang maliit na mesa at sinasagot naming pareho ang mga tanong ni HBO commentator Max Kellerman, na magaling na humimay sa lahat ng maaaring mangyari sa loob at labas ng ring at kung ano ang totoong kahulugan ng laban naming ni Cotto, ang hari ng mga welterweight.

Dahil sa alam ng mga direktor ng HBO show na wala sa aming mga ugali ang nagyayabang at nagsasalita ng masama sa bawat isa, nagawa naming mag-usap ni Cotto at magkaharap ng seryosohan, minsan halos wala rin sa amin ang kumurap habang sinasagot namin ang mga tanong. Nag-umpisa ang lahat sa mainit na kamayan at nagtapos din ito sa pagkakamay kasabay ng pangako sa isa't-isa na mag-eensayo kaming pareho ng pinakamatinding paghahanda. Sinabi rin namin sa isa't-isa na "may the best man win."

Sa huli, ang laban naming ito ni Cotto ang magbibigay ng isang mabuting halimbawa sa sport ng boksing at sa ispiritu ng sportsmanship na dapat na matutunan ng lahat, kahit na hindi sila lumalaban o sumasali sa mga paligsahan ng sports.

Sa pagtatapos ng laban namin ni Cotto, ang sport ng boksing ang magiging panalo at walang talo sa amin. Tiyak iyon.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

Top photo: Five-time world champion, pound-for-pound king Manny "Pacman" Pacquiao,General Santos,Philippines takes a few cuts in the New York Yankees batting cage at Yankee Stadium after a public press conference Thursday to start the cross-country, five-city national media tour to promote his upcoming "FIREPOWER" World Welterweight championship fight against the pride of Puerto Rico, three-time world champion Miguel Cotto, Caguas, Puerto Rico. Pacquiao vs Cotto is promoted by Top Rank, in association with MGM Grand and Tecate, will take place, Saturday,November 14 at the MGM Grand in Las Vegas and will be available live on HBO Pay Per View. --- Photo Credit : Chris Farina - Top Rank.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
    Tue, 16 Dec 2025
  • TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
    Tue, 16 Dec 2025
  • JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
    Tue, 16 Dec 2025
  • Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
    Tue, 16 Dec 2025
  • INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
    Mon, 15 Dec 2025
  • Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
    By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025
  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025