
Huwag Pong Mabahala
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 06 Sep 2009

MANILA—Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay malugod ninyong matanggap ang aking pagbati at paghangad ng kaginhawaan ng kalusugan ng pag-iisip, pangangatawan.
Kahit na siguro araw-araw po ninyo akong nababasa sa mga pahayagan at nababalitaan ninyo ang aking bawat galaw, marami pa rin sa inyo ang hindi tunay na nakakakilala sa aking pagkatao dahil na rin sa marami at iba’t-ibang opinion na aking naririnig tungkol sa aking hindi pa pagsabak sa training para takdang laban sa November 14, sa Las Vegas,
Nevada.
Nitong darating pang mga araw, pilit kong tinatapos ang marami pang mga commitment bago kami tuluyang lumipad sa New York kasama ang aking koponan upang i-promote namin ni Miguel Cotto ng Puerto Rico ang aming laban sa MGM Grand Arena. Talaga rin namang hectic lagi ang aking schedule at kahit na enjoy akong sobra sa paggawa ng mga TV sit-com, commercials at pelikula, medyo nakakapagod din. Marami ang nagsasabi tuloy na parang binabale-wala ko ang paghahanda laban sa kampeon ng welterweight division.
Ang pagpaparatang sa akin na hindi ako seryoso sa aking laban kay Cotto ay lubhang masaklap pero sa isang banda, hindi ko masisi ang marami na mag-isip ng ganoon dahil na rin siguro sa pagmamalasakit sa akin. Kung minsan nga lang, ang lahat ng tao ay nagiging eksperto na rin sa pagbibigay ng kanilang opinion at inaayunan na rin ng marami.
Sa tinagal-tagal ko na sa pagboboksing, alam ko po ang aking sariling kakayahan at ang aking limitasyon. Marahil, nag-aalala lang kayo dahil sa mga balitang nagsimula nang magpa-kundisyon si Cotto kasama ang kaniyang grupo ng mga eksperto sa training, nutrition at conditioning.
Sa totoo lang po, hindi lumilipas ang isang araw na hindi ko iniisip si Cotto at kung ano ang aking gagawin upang labanan at talunin ang isang boxer na likas na mas malaki at malakas sa akin. Kung kayo po ay lubos na nag-aalala, alam kong natural lang iyan sa mga nagmamalasakit at nagmamahal sa akin. Huwag po kayong mabahala, everything is under control.
Marami ang marahil hindi pa nakakatanto na dahil malaking di-hamak si Cotto, mahalaga para sa kanya na mag-umpisang magbawas na ng timbang upang maeksakto ang 145 pounds na limit kung saan kami magtutuos. Dahil sa ako ay hindi likas na welterweight, hindi na ako lumalayo sa timbang na 145 at halos sampung pounds na lang ang layo ko sa catch-weight na iyan.
Kahit na matindi ang schedule namin sa shooting, hindi ko naman po inaabuso ang aking katawan at sa haba ng walong linggo ng training, tinitiyak kong sapat lang ang panahon upang maghanda kasama si coach Freddie. Opo, wala naman pong alitan sa pagitan namin ng aking coach na pilit ginagawan ng intriga ng ilan. Sa aking palagay po, ang Baguio City ang pinaka-safe na lugar upang mag-train sa ngayon at tatapusin namin ang lahat sa Wild Card gym sa Los Angeles.
Sa mga hindi pa po nakakaalam, kapag naumpisahan ko nang mag-ensayo, wala nang makakapigil sa akin. At sa walong linggo, ipinapangako kong makukuha kong abutin ang 100 percent condition upang maiwagayway muli natin ang ating bandila at sabay-sabay tayong magsasaya bilang isang bansa sa ilalim ng iisang Diyos.
Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
Tue, 16 Dec 2025TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
Tue, 16 Dec 2025JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
Tue, 16 Dec 2025Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
Tue, 16 Dec 2025INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
Mon, 15 Dec 2025Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025