Mobile Home | Desktop Version




Trademark: Manny Pacquiao

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 20 Aug 2009




MANILA — Magandang araw po ulit sa inyong lahat, kayong mga minamahal kong fans, tagasubaybay at lahat ng nagmamahal sa boxing. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon. Kung ako po ang inyong tatanungin ay mabuti naman po ako pero sobrang busy nitong mga nagdaang araw dahil sa maraming mga commitment at proyekto sa labas ng aking sport.

Palagi pong abala ako sa pagsu-shoot ng aking mga pelikula at show sa telebisyon na sobra ko ring kinahihiligan sa mga panahong ito, dahil alam kong kagigiliwan ninyo rin ang mga palabas na aking ginagawa. Mas mabuti sigurong huwag ko munang banggitin ang mga ito para sorpresa sa inyong lahat.

May 87 na araw na lang ang nalalabi upang mapaghandaan ko ang susunod kong laban kontra sa kampeon ng welterweight division na si Miguel Cotto ng Puerto Rico sa November 14.

“Don't worry, we have plenty of time and we have enough. Everything is under control.”

Nabalitaan kong nagsimula nang magtinda ng mga tickets sa aking laban at napakabilis na nabili ang maraming tickets kaya naman sobra na akong inspirado na bumalik sa ring at mag-ensayo para sa laban na gaganapin sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Marami pa namang oras ang nakalaan sa pag-train para sa isa sa pinakamahirap na laban ng aking career at sa ngayon ay masaya ako at nalilibang sa aking mga proyekto kahit na minsan ay talaga ring nakakapagod. Minsan nga, parang mas madali ang pagboboksing dahil ito ang aking nakasanayan at talaga namang mahal ko ang sport na ito.

Hindi ko lubos maisip kung ano na ang aking magiging buhay pagkatapos ng aking career sa boksing dahil ito talaga ang first love ko.

Kaya naman pinaghahandaan ko rin ang aking magiging kinabukasan pagkatapos ng aking career na sa ngayon ay nasa ika-14 taon na mula nang magsimula ako noong January 22, 1995.

Magandang balita ang aking natanggap kahapon lamang, na ang aking pangalan at sariling logo ay naaprubahan na upang maging isang trademark name.

Ang "Manny Pacquiao" ay nakalista na bilang isang trademark at ang aking personal na logo na may taglay ng aking initials na “MP” ay kasama rin sa trademark at hindi na puwedeng magamit ng iba at ng kung sino mang walang pahintulot.

Ang MP logo ay hinango sa actual na sukat at hugis ng aking kanang kamao, na ang “M” ay binubuo ng tatlong huling daliri at ang “P” ay binubuo ng pinagsamang hintuturo at hinlalaki.

Masasabi kong ito ay sarili ko nang pagmamay-ari at ako lamang at ang aking mga susunod na business ang puwedeng gumamit nito. Sa gitna ay may tatlong bituin na kumakatawan ng Luzon, Visayas at Mindanao, ang aking mahal na bansang Pilipinas.

Dito po magmumula ang ilan sa aking mga susunod na proyekto sa aking buhay gaya ng aking merchandising company at kasama na rin dito ang pagtatayo ko ng aking foundation na magsusulong sa pagtulong sa maraming mga tao sa buong mundo, lalung-lalo na sa Pilipinas.

Masayang-masaya ako at kahit papaano ay mayroon akong mga bagay na naitanim na upang sa pagdating ng panahon ay mayroon akong aanihin.

Lahat ng ito ay aking pagmamay-ari na siya kong maihahandog sa aking pamilya. Sana ay suportahan ninyo ako sa mga proyektong ito.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
    Tue, 16 Dec 2025
  • TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
    Tue, 16 Dec 2025
  • JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
    Tue, 16 Dec 2025
  • Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
    Tue, 16 Dec 2025
  • INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
    Mon, 15 Dec 2025
  • Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
    By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025
  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025