
Pinoy Power
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 09 Aug 2009

MANILA — Magandang, magandang araw po sa inyong lahat mga ginigiliw kong mga kababayan at mga sumusunod sa kolum na ito. Umaasa akong sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang linkod.
Habang abalang-abala ako sa pag-shooting ng ilan sa aking mga TV projects at shows, maraming kaganapan ang nangyayari sa mundo ng boxing at ang ilan ay hindi rin maganda gaya ng pagpanaw ng tatlong tanyag na mga boxer, sila Alexis Arguello, Arturo Gatti at nitong huli ay ang pagnanakaw at pagpaslang kay Vernon Forrest.
Masama man ang dating ng mga balita, ipinapanalangin kong sana ay manaig ang hustisya at managot ang mga dapat managot sa krimen. Pero marami rin namang magagandang balita at kasama na ang pagsikat ng marami kong mga kapwa Filipino boxers.
Utang na loob ko pa rin ng marami ang ibinigay na karangalan sa atin ng mga naunang mga boxers gaya nila Pancho Villa at Gabriel “Flash” Elorde. Kung hindi sa kanila, walang landas na gagayahin ang marami sa amin. Minsan, nangarap kaming maging katulad nila at iyan ang bagay na hindi mababayaran, ang pagiging inspirasyon sa mga kabataan.
Sa susunod na Linggo, sa paboksing ng Top Rank Inc., mapapanood sa pay-per-view ang Pinoy Power II na katatampukan ng mga boxers na tubong Pilipinas. Nakakatuwang isipin na ang mga Pilipino na ang ilan sa mga nagiging attraction ng mga palabas sa America.
Katatampukan ito ng kampeon ng flyweight na si Nonito Donaire na lalaban kontra kay Rafael Concepcion para sa WBA interim junior bantamweight title. Si Nonito ay isa sa mga magagaling na Pinoy boxers na dapat nating suportahan gaya rin ng iba nating mga fighters.
Si Bernabe Concepcion, isa sa mga sumisibol na mga boxer ng bansa, ay magbibigay ng hamon sa kampeon na si Steven Luevano para sa WBO featherweight title. Umaasa at nananalangin ako na sana, marami pang mga Filipino boxers ang magkakaroon ng magagandang tsansa na makakuha ng korona. Nabalitaan kong kabilang din si Mark Melligen, isang junior welterweight na makikipagsagupaan kay Michel Rosales sa Pinoy Power II undercard.
Gaya ng kampeon na si Brian Viloria, malaki ang naitutulong ng sport na ito sa pagbibigay papuri sa ating bansa at nagagalak ako na makita ang mga susunod na mga kampeon gaya nina Michael Farenas, Marvin Sonsona, Rodel Mayol, ALA Boys, AJ Banal at Donnie Nietes at marami pang iba na hindi ko nabanggit.
To all of you, may you continue to train hard, pray hard and hope to become a champion in the near future. It is not going to be easy and there are no short cuts to success. Always believe in yourselves and always give 100 percent of your efforts to everything you do. Do your best and God will do the rest.
Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
Tue, 16 Dec 2025TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
Tue, 16 Dec 2025JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
Tue, 16 Dec 2025Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
Tue, 16 Dec 2025INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
Mon, 15 Dec 2025Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025