Mobile Home | Desktop Version




Paalam, Pangulong Cory

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 02 Aug 2009



GENERAL SANTOS—Binabati ko po ng isang magandang araw ang lahat ng tagasubaybay ng kolum na ito kasama na rin ang lahat ng aking mga kababayan sa lahat ng panig ng mundo. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan kagaya ng inyong abang lingkod.

Nagising ako kahapon na ang unang bumungad na balita sa akin ay ang pagpanaw ng ating pinakamamahal na dating pangulo, si Pangulong Corazon C. Aquino kahapon ng madaling araw.

Siya ay 76.

Nakikiramay ako sa pamilya ng ating Pangulo, sa mga anak at lahat ng naulila. Taos-puso po ang aking pakikipagdalamhati sa inyo at kasama ninyo akong nakikipagdasal para sa inyong yumaong ina.

Naaalala ko pa noong ako ay bata pa, anim na taong gulang pa lang ako noon at lubos pa ang aking kamusmusan. Ang naaalala ko lang ay ang People Power Movement na naging makasaysayan dahil sa walang nangyaring karahasan sa EDSA at naluklok sa kapangyarihan si Ginang Aquino. Bago pa lang akong estudyante sa paaralan at noon pa lang ako natututong bumasa.

Bilang isang bata na lumalaki pa lang sa mga panahong iyon, nakita ko, napanood ko sa TV, narinig sa radyo at nabasa ko ang pagkakaisa ng maraming Pilipino upang mapalitan nila ang isang sistema ng pamumuno na hindi na ikinatutuwa ng maraming tao, marahil na rin sa tinatawag nilang Martial Law na umiiral na noong ako ay ipinanganak. Medyo kulang na ang aking ala-ala sa mga bagay-bagay na nangyayari noong panahong iyon dahil medyo malayo kami at nasa dulo ng Pilipinas, wala halos mapapansin sa aming lugar at sa aming mga buhay.

Gaya ng aking ina, nakita ko sa dating Pangulong Aquino ang pagiging madasalin, matapat sa kapwa at matatag kahit na dumaan sa kanya ang maraming pagsubok at mga kudeta. Ipinakita niya na kahit na wala siyang karanasan sa anumang uri ng pagpapalakad ng isang bansa o gobyerno, maaari pa ring maging maayos ang pamumuno niya hawak lamang ang ilan sa mga katangiang sapat na upang maging maayos ulit ang ating mga buhay.

Sa takbo ng buhay, nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama ang ilan sa kanyang mga pamilya lalung-lalo na si Ms. Kris Aquino.

I pray to God that may the soul of the faithful departed rest in peace at sana, ang mga ipinaglalaban ni Pangulong Aquino ay hindi mawala sa ating mga puso at isip. Sana, maipagpatuloy pa rin natin ang pagkakaisa para sa bayan at maiwasan natin ang pagkakawatak-watak ng bansa dahil na rin sa magkakaibang paniniwala at hangarin. Sana, iisa ang ating layunin na mapaganda ang buhay ng bawat isa na alam kong iyon lamang ang tanging hinangad ni dating Pangulong Aquino.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
    Tue, 16 Dec 2025
  • TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
    Tue, 16 Dec 2025
  • JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
    Tue, 16 Dec 2025
  • Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
    Tue, 16 Dec 2025
  • INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
    Mon, 15 Dec 2025
  • Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
    By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025
  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025