Mobile Home | Desktop Version




Kaibigang Kobe

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 12 Jul 2009




MALUNGON, Sarangani -- Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga ginigiliw kong tagasubaybay, fans, pamilya at mga kaibigan. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod.

Kakagaling ko lang mula sa Los Angeles, California upang mag-shoot ng isang commercial at kahit na isang araw lang ako doon ay maraming ala-ala na naman ang aking natamasa.

Kasama ang aking pamilya na nagpaiwan muna doon sa aming bagong bahay sa Los Angeles, pumunta ako sa US upang makunan ng mga batikang photographer para sa malaking proyekto ng isang dambuhalang apparel

company kasama ang mga pinakasikat na mga atleta ng henerasyong ito.

Alam ko pong excited na rin kayo na malaman kung ano ang mga detalye ng susunod kong laban pero hanggang sa ngayon ay nakikipag-negosasyon pa kami sa mga detalye ng susunod kong sagupaan, malamang kaharap ang dambuhalang si Miguel Cotto ng Puerto Rico.

Wala pa ring takdang petsa at napagkakasunduang detalye sa aking susunod na laban at maaaring sa Oktubre o Nobyembre na ang susunod kong fight date pero sa ngayon, marami pa rin akong pinagkaka-abalahang mga proyekto sa bansa. Naririyan ang mga shooting ng dalawang pelikula na akin namang kinahihiligan at nag-eenjoy ako sa trabahong ito.

Sa kasalukuyan, naririto ako sa bayan ng Malungon, sa Sarangani province, upang salihan ang isang darts tournament na akin na ring pinasaayos at pina-organisa. Maraming mga sikat na manlalaro ang kasali dito mula sa lahat ng sulok sa Pilipinas at masaya ako sa pagdalo ng mga manlalaro.

Ganyan po ang aking buhay kapag wala pa ring laban. Marami akong pinagkaka-abalahan gaya ng mga proyektong nabanggit. Iyon nga palang photo-shoot namin sa Los Angeles ay kinabilangan ng marami pang mga sikat na atleta at isa rito ay si Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers.

Dahil sa hilig ko rin sa basketball, bukod pa sa maraming sports, at sa aking estado bilang No. 1 pound-for-pound boxer sa buong mundo, napabilang ako sa maraming atletang lalabas sa mga billboard sa buong America, kasama na rin si Kobe, na naging pinuno ng champion team na Los Angeles, Lakers.

Naging mainit at masaya ang aming pagkikita sa aming magkabilang set nitong nakaraang araw kasama si Kobe. Kasama ang aking pamilya, masaya kaming nagpakuha ng photos kasama si Kobe at masasabi kong nahulog ang aking loob sa mabuting ipinakita sa akin ni Ginoong Bryant. Dahil na rin sa marami akong mga kaibigang basketball players, lalung-lalo na sa karibal nilang Boston Celtics, hindi ko naiwasang humanga sa pagiging humble ni Kobe, na bibisita sa Pilipinas nitong buwang kasalukuyan.

Sabi ko sa kanya, mula ngayon, ako ay isa nang ganap na Lakers fan at hihintayin ko siya sa Pilipinas sa darating na araw para naman maipakita ko rin ang hospitality na naging sikat sa ating mga Pilipino.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • IBA embraces Bare Knuckle Boxing
    Tue, 06 May 2025
  • Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
    Mon, 05 May 2025
  • "THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
    By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025
  • Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
    By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025
  • Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
    By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025
  • Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
    By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025
  • Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
    By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025
  • Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
    Sun, 04 May 2025
  • Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
    Sat, 03 May 2025