
Salamat sa Boxing Writers ng America
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 14 Jun 2009

NEW YORK?Magandang araw po sa inyong lahat, mga ginigiliw kong kababayan, fans at tagasubaybay. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo.
Matapos ang mahabang biyahe mula sa Pilipinas patungo sa New York, the ?Big Apple,? tinanggap ko mula sa Boxing Writers Association of America ang pinaka-prestihiyosong ?2008 Boxer of the Year Award,? ang Edward J. Neil Memorial plaque sa ikalawang pagkakataon sa aking buhay.
Opo, direktang flight mula Maynila ang aking kinuha kasama ang aking butihing maybahay na si Jinkee at ang aking mga kaibigan. Bukod sa nagbabakasyon kami ng aking mga pamilya at marami akong pinagkakaabalahan sa Pilipinas, minabuti kong bigyan ng pagpapahalaga ang pundasyon ng aking tagumpay bilang No. 1 Pound-for-Pound boxer sa buong mundo.
Dahil ako ang tampok na awardee ng gabi sa parangal na ginanap sa magarang Capitale sa New York, New York, alam kong hindi dapat ipagpawalang-bahala at isnabin ang pagtanggap ng award na ito dahil ang mga manunulat na kinabibilangan ng organisasyon ng mga Amerikanong writers ang tunay na pinanggagalingan ng aking tagumpay sa ibabaw ng ring.
Kung wala ang mga writers, walang mga taong susubaybay sa aking bawat galaw, walang mga taong magiging susi sa pagbibigay impormasyon sa lahat ng mga tao sa buong mundo at marahil, walang Manny Pacquiao. Sa ngayon, ako ay isa sa pinaka-aabangang boksingero sa buong mundo. Sabi nga nila, ang respeto ng tao ay pinaghihirapang makuha at hindi tinatanggap, kaya naman talagang hindi ko dapat ma-miss ang ganitong awards ceremonies.
Lubos po ang aking saya sa award na aking natanggap sa ikalawang pagkakataon, ang una ay ang 2006 version. Sa ngalan ng aking pamilya, mga kapwa Pilipino, at sa mga kapwa boksingero at atleta, malugod kong tinatanggap ang award na ito. At gaya ng dati, ipinangangako kong lalong pagbubutihin at paghihirapan ko pa lalo ang paghahanda para sa laban.
Binabati ko rin si Coach Freddie Roach dahil sa kanyang pagkakamit ng ikatlong Coach of the Year Award at nakumpleto namin ang halos grand slam na resulta sa taong nagdaan.
Sa simula ng taon, talaga namang medyo pinalad pa rin tayo dahil sa pagpapanalo natin kontra kay Ricky Hatton ng England. At sana, sa huling yugto ng taon, makakamit pa rin natin ang malaking panalo laban sa susunod kong katunggali. Sa ngayon, wala pang final na makakaharap.
Matinding ensayo at paghahanda at iyong tibay ng katawan at pag-iisip ang mga susi ng aking pagiging kampeon at higit sa lahat, ay ang aking takot sa Panginoong Diyos ang nagbigay sa atin ng tagumpay na ito. Sa Kanya ko rin ibinababalik ang papuri at pagpapasalamat.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
Tue, 16 Dec 2025TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
Tue, 16 Dec 2025JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
Tue, 16 Dec 2025Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
Tue, 16 Dec 2025INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
Mon, 15 Dec 2025Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025