Mobile Home | Desktop Version




Isa-isa Lang, Mahina ang Kalaban

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 07 Jun 2009




MANILA ? Magandang araw po ulit sa inyong lahat mga kabayayan, fans, at lahat ng sumusuporta sa akin. Nawa ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo.

Sa pagbabalik-tanaw sa aking career bilang isang boksingero, marami na akong pinagdaanang pagsubok sa buhay at sa aking tinahak na landas patungo sa aking kinalalagyan ngayon, masasabi kong talaga namang ginabayan ako ng Panginoon at biniyayaan ng maraming-marami.

Sa maagang edad, lumalaban na ako sa mga boksingerong batikan at walang-takot kong hinarap isa-isa ang lahat patungo sa una kong mga korona sa Asia at pagkatapos noon ay ang paghahabol sa una kong pandaigdigang korona bilang isang flyweight mga 10 taon na ang nakakalipas.

Naaalala ko pa noon, Disyembre 4, 1998, sa malayong lugar ng Phuttamonthon, sa Thailand, nasa timog-kanluran mula sa kabisera ng Bangkok, dinayo namin ang alamat na kampeon na si Chatchai Sasakul. Naaalala ko pa noon, sabi nila, wala raw halos gustong lumaban sa Thai dahil bukod sa nasa teritoryo niya, lubha talagang matindi ang boxing skills nitong kampeon na ito.

Nakuha ko po sa tiyaga at sa matinding pagnanasa na manalo, na-knock-out ko si Sasakul sa ikawalong round kahit na tinambakan niya ako ng puntos mula sa simula. Sabi ko, minsan lang ako magkakaroon ng tsansa na maging kampeon, kaya naman, ibinuwis ko ang lahat, pati na siguro ang aking buhay noong mga panahong iyon. Masasabi kong malaki at malayo na ang pagkakaiba ng Manny Pacquiao noong mga panahong iyon kung ikukumpara sa Manny Pacquiao ngayon.

Nandoon pa rin ang bangis at tapang, nandoon pa rin ang pagsusumikap upang maging isa sa pinakamagaling na boksingero sa mundo at sa ngayon, nakuha na natin ang pinakamataas na parangal sa kabuuan ng lahat sa boksing, ang pinakamimithing No. 1 pound-for-pound boxer sa buong mundo.

Hindi ko sukat akalain na mula sa 112 pounds, aabot ako upang kalabanin at talunin ang aking idol sa boksing na si Oscar Dela Hoya noong isang taon. Dumaan din ako sa 122, 126, 130, 135 pounds na mga dibisyon at nitong huli, natalo natin ang hari sa 140 pounds division na si Ricky Hatton.

Kaya naman hindi nakakapagtaka na ako ngayon ang pinakaaabangan at pinakamainit na atleta sa sport na ito at hindi na ako nasusurpresa na lahat na lang na mga sikat at kampeon na boksingero mula sa 130, 135, 140 hanggang 147 pounds ay gusto akong makaharap.

Naririyan si ?Sugar? Shane Mosley, na nitong ilang araw lang ay naglantad ng kanyang kahandaan para ako ay labanan. Tama naman na hamunin ako ni Mosley dahil talaga namang sinabi ko na kahit sino, lalabanan ko. Iyon nga lang, dapat lang talaga na dumaan sa tamang proseso ang pagpili at pagtanggap ng isang laban. Naririyan ang aking trainer at promoter na palagi kong sinasangguni muna bago ang lahat.

Excited na ako sa susunod kong laban. Iyon nga lang, hindi pwedeng pagsabay-sabayin lahat at tanggapin ang lahat ng hamon. Sabi nga nila, isa-isa lang, mahina ang kalaban.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
    Mon, 05 May 2025
  • "THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
    By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025
  • Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
    By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025
  • Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
    By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025
  • Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
    By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025
  • Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
    By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025
  • Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
    Sun, 04 May 2025
  • Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
    Sat, 03 May 2025
  • Press Conference Notes: Naoya Inoue-Ramon Cardenas & Rafael Espinoza-Edward Vazquez Top Monster World Championship Doubleheader Sunday in Las Vegas
    Sat, 03 May 2025