
Sino ang Susunod na Kalaban?
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 31 May 2009
GENERAL SANTOS CITY?Magandang araw po sa inyong lahat, kayong masusugid na tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod.
Kahit na mahigpit ang aking schedule, kapag ganitong weekend, ginugugol ko ang aking oras para sa aking pamilya dito sa General Santos City dahil bakasyon na rin sa eskuwela ng aking mga anak na lalaking sina Jimuel at Michael. Mahalaga para sa akin na bigyan ng malaking oras ang aking mga anak dahil alam ko, minsan lang sila magiging bata at malaking oras ang aking nagagamit sa training at sa aking mga pinagkaka-abalahang mga proyekto.
Kasama ng aking pinakamamahal na asawa na si Jinkee at ang aking dalawa pang mga babaeng anak, si Princess at si Queenie, mahalaga para sa akin ang bigyan importansiya ang munting mga hiling at pangangailangan ng mga bata dahil na rin sa marami kong mga dapat gampanang responsibilidad sa buhay.
Dahil sa hindi masyadong matagal ang mga bakasyon ng mga bata, dapat naming lasapin ang bawat minuto ng aming pagsasama dahil sa mga susunod na araw, magiging abala ulit ako sa training at paghahanda.
Matapos nating magwagi laban kay Ricky Hatton ng England nitong Mayo, araw-araw halos na hindi maiwasan ng mga tao na magtanong sa akin kung sino ang susunod kong makakalaban.
Naririyan ang posibilidad na si Miguel Cotto ng Puerto Rico ang susunod kong makakalaban.
Naririyan din si ?Pretty Boy? Floyd Mayweather Jr. sa listahan ng mga susunod kong makakaharap.
Kalaban ni Mayweather sa isang sagupaan sa Hulyo si Juan Manuel Marquez. Nangangahulugan na kung mananalo si Marquez sa laban niya kay Mayweather, siguradong mangyayari ang ikatlong paghaharap namin ni Marquez.
Naririyan din si ?Sugar? Shane Mosley na hindi pa rin kumukupas at isa sa mga boksingerong nagbigay ng kaniyang salita na gusto niya akong makakalaban sa lalong madaling panahon.
Hindi riyan nagtatapos ang listahan. Marami pang mga kalaban ang gustong sumubok sa aking kakayahan dahil na rin sa aking estado, No. 1 pound-for-pound Best Fighter sa mundo.
Wala akong uurungang laban at wala akong pipiliing sagupaan, basta nagkakaisa ang aking koponan sa pagpili ng katunggali at maayos ang usapin sa laban, wala akong uurungan.
Trabaho ko ang maghanda at magsanay para sa anumang laban. Iyan ang aking nakasanayan at nakagisnang hanap-buhay. Abangan na lang natin. Pero sa ngayon, lalasapin ko muna ang kaunting panahon na makasama ang aking pamilya.
Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
IBA embraces Bare Knuckle Boxing
Tue, 06 May 2025Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
Mon, 05 May 2025"THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
Sun, 04 May 2025Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
Sat, 03 May 2025