Mobile Home | Desktop Version




Panahon Na Para Lalong Kumilos

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 24 May 2009



GENERAL SANTOS CITY ? Kumusta po ulit sa lahat ng aking mga pinakamamahal na tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan habang naghihintay tayo sa susunod na laban.

Nitong mga nagdaang araw, maraming mga kaganapan ang nangyayari sa aking buhay at lahat ay bunga ng aking tagumpay sa ibabaw ng ring. Maraming mga oportunidad ang lumalapit sa akin at lalong dumarami ang aking mga responsibilidad hindi lang sa aking pamilya kundi na rin sa komunidad, sa bansa at sa buong sambayanang Pilipino na nagiging parte na ng aking buhay. Kaya kahit ngayon, medyo mahirap maghanap na ng panahon upang magpahinga at mag-relax ng kaunti.

Dahil sa kinakailangan kong gampanan ang lahat ng aking mga bagong responsibilidad, mahalaga sa akin na itama ang lahat ng mga bagay na nakaugnay sa aking buhay. Kinakailangan ko nang kumilos lalo upang masundan ang aking mga pagtatagumpay sa ibabaw ng ring.

Sa bawat araw na nawawala at lumilipas, malaking oportunidad din ang nawawala kung hindi ko susundan ang ating nasimulang pagsikat at pag-akyat, hindi lang sa itaas ng ring kundi sa ring ng ating buhay.

Kaya naman itinatayo ko ang ilan sa maraming proyekto na sabay-sabay magpapatayog ng ating mga minimithi sa buhay. Nakapag-invest ako ng malalaking proyekto na tutulong sa aking mga kababayan gaya ng isang cancer research at treatment center sa Mindanao, kasabay na rin ng ilan pa sa mga nasimulan ko nang mga pinagkakaabalahan gaya ng medical missions, scholarships ng mga mag-aaral, environmental awareness at marami pang iba.

Kasama pa niyan, ipina-trademark ko na ang aking pangalan upang ako lang ang gagamit nito at hindi maaabuso ng ilan ang paggamit nito. Kasabay nito, nakapagtayo na ako ng isang merchandising company na siyang magsisimula ng maraming mga proyekto para sa aking kinabukasan. Alam ko namang balang araw ay magreretiro na rin ako kaya naman isinasa-ayos ko na ang lahat para hindi ako matulad at maparis sa ilan sa mga boksingerong sumikat minsan at hindi na nagkaroon ng pagkakataon na makapag-impok para sa kinabukasan.

Ang Manny Pacquiao Foundation ay buhay at lalong magiging abala upang makapangalap ng suporta ng lahat para sa ikauunlad unang-una ng lahat ng sambayanang Pilipino at pati na rin ang lahat ng mga tao sa mundo na mangangailangan ng tulong sa madaling panahon.

Dahil na rin sa dami ng kinakailangang gawin, dumarami rin ang mga taong tumutulong sa akin at unti-unti nang nabubuo ang aking koponan para harapin ko ang mas malalaking pagsubok sa aking career, hindi lang sa ibabaw ng ring kundi sa lahat ng pang-araw-araw kong buhay.

Sa tulong ninyong lahat, ang mga ito ay mangyayari sa darating na mga araw at sama-sama pa rin tayo. Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
    Tue, 16 Dec 2025
  • TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
    Tue, 16 Dec 2025
  • JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
    Tue, 16 Dec 2025
  • Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
    Tue, 16 Dec 2025
  • INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
    Mon, 15 Dec 2025
  • Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
    By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025
  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025