Mobile Home | Desktop Version




Muli, ang aking pasasalamat sa inyong lahat

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 14 May 2009



MANILA ? Sampung araw pa lang ang nakakaraan matapos nating magwagi kontra sa Englishman na si Ricky Hatton, pero parang napakarami na ang nangyari mula noon hanggang ngayon.

Mula sa aking kontrobersiyal ngunit inaabangang pagdating sa Manila mula Los Angeles hanggang sa mga parada sa Kamaynilaan, sa Malacanang at sa General Santos City at Sarangani, ako po ay lubos na nagagalak sa lahat ng pagmamahal na inyong ipinakita at ipinadama.

Maraming, maraming salamat po ulit sa inyong lahat, mula sa mga pinakamaliit na bata hanggang sa pinakamatandang fans at tagahanga. Pati na rin iyong mga taong hanggang ngayon ay hindi pa rin naniniwala sa aking kakayahan, maraming salamat din po sa inyong mga panalangin.

Naging iisa na naman ang ating bansa, naging iisa ang tinig ng mga mamamayan, natigil ang karahasan at putukan, nawala ang krimen sa lansangan, naging marangal ulit ang Filipino sa buong mundo at taas-noo tayong humarap sa ating kaaway. Nagwagi tayo dahil sabay-sabay tayong nanalangin at nanaginip na kakayanin nating talunin ang kalaban sa malinis at patas na labanan sa ibabaw ng ring. Iisa ang ating tinig at sa isa muling pagkakataon, inilagay natin ang ating kamay sa ating mga puso upang kantahin natin ang Lupang Hinirang.

Iwinagayway sa buong mundo ang bandila ng Pilipinas at kasama na rin ng aking awitin nang ako ay umakyat sa ring, nabuhay muli ang pagmamahal natin sa ating lupang tinubuan. Nang aking sambitin ang mga katagang, ?Sumigaw ang Pinoy?,? at sabay-sabay kayong sumigaw upang maipakita sa mundo kung sino kayo, nakapagbigay ito ng kakaibang lakas, sigla at inspirasyon upang lalo kong pagbutihin at bilisan ang pagkuha ng panalo.

Kaya naman po gusto ko nang umuwi, upang makapiling ko sa lalong madaling panahon ang aking mga kababayan at pamilya. Pero, halos ipagbawal sa akin ang aking pag-uwi dahil na rin daw sa kumakalat na virus sa buong mundo.

Hindi naman po sa pagmamalabis, pero hindi ko magagawang maging sanhi ng pagkalat ng nakakahawang virus. Ilan po sa aking mga kasambahay at kaibigan sa Los Angeles ay nauna nang umuwi at hindi naman sila hinarang sa airport. Bago rin ako tuluyang lumabas ng airport, siniguro kong wala akong dalang virus dahil alam kong maraming tao ang potensiyal na mahahawa kung saka-sakali. Pero marami pa rin ang gustong tumuligsa sa akin. Maraming tao ang dumarating araw-araw galing sa iba?t-ibang bahagi ng mundo pero hindi naman sila gaanong hinihigpitan. Minsan, marami akong mga bagay na hindi talaga maintindihan.

Kaysarap na balikan ang mga nagdaang araw, ang mga hirap at sakripisyong aking dinaanan at kasama na rin ang mga pagsubok na hinarap. Pero naririyan kayong lahat upang suportahan ako at magbigay sa akin ng sapat na rason upang huwag sumuko at asamin ang pinakamataas at pinakamatamis na simbulo ng paghahari sa mundo. Thank you ulit.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

Top photo: KIAMBA, Sarangani ? Mayor Rom Falgui leads a packed crowd at the town plaza during the Hero?s Welcome for boxing champion Manny Pacquiao Tuesday, May 12. (KIAMBA NEWS CENTER/Allan C. de Lima)


KIAMBA, Sarangani (May 13, 2009) ? Boxing champ Manny Pacquiao gets a new uniform Tuesday, May 12, during his conferment with honorary membership to the Philippine Army 73rd Infantry Battalion by battalion commander Lt. Col. Edgardo de Leon. (Cocoy Sexcion/SARANGANI INFORMATION OFFICE)

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
    Tue, 16 Dec 2025
  • TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
    Tue, 16 Dec 2025
  • JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
    Tue, 16 Dec 2025
  • Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
    Tue, 16 Dec 2025
  • INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
    Mon, 15 Dec 2025
  • Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
    By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025
  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025