Mobile Home | Desktop Version




ILANG SAGLIT NA LANG

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 30 Apr 2009



LAS VEGAS--Sa araw ng Martes, mga apat na araw na lang ang nalalabi, handang-handa na ako upang makipagsabayan sa lakas at dunong ng tinaguriang kampeon ng 140 pounds division na si Ricky Hatton ng England. Ilang araw na lang at bakbakan na!

Ako ay excited at handang-handa na upang sumabak sa away sa bagong timbang na super-lightweight. Sa MGM Grand Garden Arena magbabakbakan kami ni Hatton, sa Las Vegas , Nevada , kapwa sabik na subukan ang kakayahan ng bawat isa.

Sa dalawang buwan ng pagsasanay, masasabi kong handang-handa na ako at mga maliliit na bagay na lang ang aming inaayos sa training camp sa pangunguna ni coach Freddie Roach at ni Buboy Fernandez, kasama ang bagong trainer na si Michael Moorer, ang dating heavyweight champion ng mundo.

Napag-aralan na namin ang style ni Hatton, na palaging sumusugod at hindi rin marunong umatras sa matinding labanan. Alam na namin ang mga bagay na kanyang pwedeng dalhin sa laban at inaasahan na lang namin na magbabago siya ng kaunti dahil sa adjustments ng kanyang trainer na si Floyd Joy Mayweather.

Maayos ang pagsasanay para sa laban at naihanda ko na ang aking katawan para sa mga balakin ni Hatton. Naihanda na rin namin ang aming game plan na sa tingin namin ay pasok sa estilo ni Hatton.

Sa ngayon ay nagpapabawas na ako ng timbang, apat na araw bago ang laban at sa 140 pounds, hindi ako masyadong mahihirapan dahil kaunting timbang lang ang aking babawasin. Huling lumaban ako sa timbang na 147, sa kauna-unahang pagkakataon.

Sa tingin ko ay komportable ako at hindi naman ako lubusang mahihirapan.

Si Hatton at ang kanyang trainer ay nagsabi ng maraming mga bagay tungkol sa kanilang plano sa laban pero para sa akin, handa ako na harapin kung anuman ang kanilang dadalhin sa itaas ng ring. Alam ko rin na medyo magulang maglaro si Hatton sa kaniyang mga dating laban gaya ng paghahawak at pagyakap sa kalaban. Hindi namin ito palalampasin.

Naririto na sa Las Vegas ang halos lahat ng aking mga pamilya at kaibigan at inspirado na akong lumaban. Kasama diyan ang aking asawang si Jinkee at ang aking ina na si Mommy Dionesia, na sa unang pagkakataon ay naririto sa US . Ngunit hindi siya manonood na live pero malaking tulong pa rin siya sa akin. Ako po ay tuluyan pa ring nagsasanay sa laban at hindi ako titigil hanggang mapapasa-atin ang korona ng 140-pounds division. Hindi ko po ito magagawang mag-isa at sana tulungan ninyo ako na manalangin sa Poong Maykapal upang sa huli ay tayong lahat ang tatanghaling mga kampeonnng mundo.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com




Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • IBA embraces Bare Knuckle Boxing
    Tue, 06 May 2025
  • Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
    Mon, 05 May 2025
  • "THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
    By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025
  • Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
    By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025
  • Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
    By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025
  • Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
    By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025
  • Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
    By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025
  • Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
    Sun, 04 May 2025
  • Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
    Sat, 03 May 2025