
MASAYANG PAGTITIPON
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 26 Apr 2009

LOS ANGELES ? Magandang araw po ulit sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon.
Dumating na po ang mga huling sandali ng pagsasanay at masasabi kong maganda ang aking pakiramdam, malusog ang aking pangangatawan at malinaw ang aking pag-iisip para sa laban namin ni Ricky Hatton sa May 2 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.
Inspirado ako ngayon dahil lahat na halos ng aking mga malalapit na kaibigan at pamilya ay nagsisidatingan na galing sa Pilipinas at kung saan-saan pang bahagi ng mundo.
Mas lalo akong ginaganahan dahil sa kauna-unahang pagkakataon, naririto ang aking pinakamamahal na ina. Sa kauna-unahang pagkakataon, si mommy Dionesia ay makakapiling ko kaagad pagkatapos ng laban kahit na hindi siya manonood sa actual na laban.
Opo, ang aking ina ay hindi nanonood ng aking mga ?live? na laban dahil hindi siya nakakatagal sa panonood. Imbes na manood siya, palagi siyang nagdarasal para sa aking tagumpay at talaga namang nagsasakripisyo rin siya sa pagsuporta sa akin sa pinakamahalagang bagay ? ang panalangin.
Sa pagdating ditto ng aking mga mahal sa buhay, sa pangunguna nga ng aking ina, isang masayang pagtitipon ito para sa amin.
Masasabi kong malaki ang epekto sa akin ng pagdating sa US ng aking ina dahil mas lalo akong nai-inspire kapag nakikita ko siya araw-araw. Utang ko sa aking ina ang lahat ng mga bagay na aking natutunan mula pa noong kami ay mga bata, kasama na rin ang aking mga kapatid.
Sa aking ina ako natutong magdasal at maging matatakutin sa Poong Maykapal. Sa kanya ko rin natutunan ang disiplina sa maagang edad. Naaalala ko, noong bata pa kami, gigisingin kaming lahat ng aming nanay bago pa sumikat ang araw upang magdasal at mag-rosaryo. Kaya naman, pagkatapos ng morning prayers namin, deretso na rin kami sa pang-araw-araw na mga gawain dahil mahirap nang matulog ulit pagkatapos mong gumising sa umaga
Sa aking mga magulang ko unang natutunan ang kahalagahan ng pagtatrabaho nang puspusan, ang pagbibigay ng buong kakayahan sa pakikipaglaban sa kahirapan ng buhay. Sa aking ina ko unang ibinigay ang una kong kinita sa pagtatrabaho sa lansangan at kahit na sa amateur boxing.
Minsan ko sinuway ang utos ng aking ina, dahil ayaw na ayaw niya akong magboksing mula noong bata pa ako. Kahit na labag sa kanyang utos, itinuloy kong patago ang pagsasanay ng boksing at nang handa na akong maging professional fighter, hiningi ko ang kanyang basbas at pahintulot, dahil ako ay hindi pa umabot sa hustong edad na 18.
Ginawa ko lang ang maging isang boksingero dahil na rin siguro sa kahirapan, pero sadyang may nakaukit nang tadhana sa aking mga palad. Sa huli, malaking pasasalamat ang aking ibinibigay sa aking ina. Walang katumbas po ang inyong mga sakripisyo at pangangaral sa amin, na hanggang ngayon ay dala-dala ko, kahit saan man ako magtungo. I love you and advance Mother?s Day sa May 10!
Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All and especially all of our mothers.
Photo: Pacquiao (L) with mom Dionisia in General Santos, Philippines.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
Tue, 16 Dec 2025TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
Tue, 16 Dec 2025JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
Tue, 16 Dec 2025Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
Tue, 16 Dec 2025INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
Mon, 15 Dec 2025Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025