
Responsibilidad Ko sa Boksing
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 19 Apr 2009

LOS ANGELES -- Kumusta na po kayong lahat, mga ginigiliw kong mambabasa at tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon.
Dalawang Sabado na lang at araw na ng laban namin ni Ricky Hatton sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. Excited na ako at puspusan pa rin ang aking paghahanda para sa laban. Dahil sa alam kong naghahanda rin ng lubusan si Ricky, kaya naman talagang ibinubuhos ko lahat ang aking makakaya sa training upang maging handa sa anumang pagsubok na maaaring ibato ni Hatton. Simula nitong linggong ito, papababa na ang bilang ng rounds ng sparring namin mula sa pinakamataas na 12 rounds nitong nagdaang mga araw.
Masasabi kong naroroon na ang hangin sa aking katawan na siyang magdadala sa atin sa anumang tema ng laban. Dahil sa inyong lahat, tinitiis ko ang lahat ng hirap, pagod at sakit upang mabigyan ko kayo ng isang magandang gabi ng boksing sa isa pang pagkakataon.
Nitong linggo, nagretiro na si Oscar Dela Hoya, ang tinuturing na pinakahaligi ng boksing nitong mga nagdaang taon dahil na rin sa kanyang paniniwala na hindi na niya magagampanan na lumaro sa pinakamataas na antas ng boksing. Saludo pa rin ako sa iyo, Ginoong Dela Hoya and you are still my idol. Pero maraming mga manunulat sa buong mundo na nagsabi na dahil sa pagreretiro ni Dela Hoya, ako na raw ang dapat na tumayong pangunahing simbulo ng boksing, dahil ako ang No. 1 pound-for-pound boxer sa mundo at tinalo ko ang No. 1 boxer sa box-office.
Hindi ko po kinakailangang sundan ang anumang landas na tinahak ni Oscar nang makamit niya ang mga karangalan na kanyang natamo. Hindi po ako ang bagong Oscar. Ako po, si Manny Pacquiao, ay mananatili at hindi magbabago mula doon sa dating boksingerong nakilala ninyo noon -- walang takot, hindi aatras sa laban at kapana-panabik sa ibabaw ng ring.
I have been known to be the most exciting fighter before I became the No. 1 pound for pound boxer in the world. Ako pa rin po siguro ang magiging pinaka-exciting na boxer sa mundo at lalo kong pagbubutihin ang pakikipaglaban at pagsasanay upang lalong mabuhay ang sport na pinakamamahal ko. Ang boxing ay isang uri ng sining at entertainment at dahil na rin dito, kinakailangan kong maging halos perpekto sa pagiging "performer" sa ibabaw ng lona na aking entablado. Iyan po ang mabibigay ko sa sport na ito. Sana, tuluyan ninyo pa ring suportahan at sama-sama tayong manalangin sa ikabubuti ng boxing at para sa lahat ng boksingero.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
Top photo: Pacquiao doing the speed ball routine during Friday's training at the Wildcard Gym in Los Angeles. Photo by Dong Secuya.
* * *
This article is also available at Abante
Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at
href="mailto:mannypacquiao@abante-tonite.com">mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
Tue, 16 Dec 2025TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
Tue, 16 Dec 2025JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
Tue, 16 Dec 2025Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
Tue, 16 Dec 2025INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
Mon, 15 Dec 2025Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025