
SALAMAT, OSCAR DE LA HOYA
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 16 Apr 2009

LOS ANGELES ? Magandang araw po ulit sa inyong lahat mga ginigiliw kong mga kaibigan, pamilya at fans. Mahigit dalawang linggo na lang at magbabakbakan na kaming dalawa ni Ricky Hatton ng England sa Mayo 2 sa ?The Battle of East Vs. West? sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada at handang-handa na po ako.
Pagkatapos kong mag-spar ulit ng sampung rounds sa araw ng Martes kontra sa tatlong sparring partners, masasabi kong unti-unti ko nang nakakamit ang halos 100 percent na kundisyon ng pangangatawan at sa tulong ng Poong Maykapal, makukuha natin ang pinakamataas na antas ng kundisyon bago ang araw ng laban, ang una kong assignment sa taong ito.
Sa darating na linggo, papasok na kami sa pinakamatinding yugto ng training at mula doon ay magsisimula na akong magpababa ng timbang bago kami magtungo ng Las Vegas, isang linggo bago ang laban.
Lingid sa aking kaalaman, may press conference pala si Ginoong Oscar Dela Hoya sa Nokia Plaza sa downtown Los Angeles. Nalaman ko na lang sa gabi ng Martes na nag-retire na pala ang isa sa mga haligi ng boxing sa mga nagdaang taon at isa sa aking mga iniidolong boksingero.
Dahil na rin siguro sa laban ni Dela Hoya noong Disyembre, kung saan tayo ay nagwagi sa loob ng walong rounds, kaya nagbigay-pasya na siyang mag-retire sa boksing matapos ang 16 na taong pakikipaglaban. Nakalulungkot man, nirerespeto ko ang pasya ni Dela Hoya na mag-retire sa sport na pareho naming minahal at pilit na pinalalawig.
Bilib ako sa mga nakamit ni Dela Hoya na mga parangal at mga titulo. Ang pagiging champion sa anim na divisions ay isa lamang sa mga pinakamalaking record na naitala ni Oscar sa kaniyang buhay. Pero bukod pa sa sampung magkakaibang titulo, alam kong siya ay hindi lang kampeon sa ibabaw ng ring kundi pati na rin sa labas nito, sa pang-araw araw na buhay.
Isang karangalan ang makalaban si Oscar Dela Hoya at ang talunin siya ay para pa ring isang panaginip, kung babalikan ko ang aming nakaraang laban. Isa ring karangalan ang makuha mula kay Ginoong Dela Hoya ang simbulo ng pamumuno sa sport na ito at ipinapangako kong gagawin ko ang lahat upang lalong maging tanyag ang boxing.
Hindi magbabago ang aking pagtingin sa Golden Boy ng boxing. Sabi ko nga sa kanya pagkatapos ng aming laban, ?You are still my idol,? dahil sa kanyang mga nagawang kabutihan sa sport. Kagaya ko, malapit ang aking puso sa mga taong nangangailangan ng tulong.
Alam kong isa sa pinakamahirap na desisyon para sa isang atleta ay ang pagreretiro.
?Oscar, I salute you and I know that you will continue to be with us in your capacity as the head of Golden Boy Promotions. Good luck on your new journey.?
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
IBA embraces Bare Knuckle Boxing
Tue, 06 May 2025Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
Mon, 05 May 2025"THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
Sun, 04 May 2025Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
Sat, 03 May 2025