Mobile Home | Desktop Version




Suporta sa Ating Kapwa Boxers

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 29 Mar 2009




LOS ANGELES ? Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga ginigiliw kong kababayan at fans. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo.

Sa pagpasok ng huling limang linggo ng training para sa nalalapit na laban namin ni Ricky Hatton sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, papahirap ng pahirap ang ginagawa naming paghahanda upang lalong lumaki ang tsansa natin na manalo sa sagupaan. Anim na rounds na ang aking sparring papunta sa 12 rounds sa susunod na buwan.

Tinaguriang bakbakan ng East Vs. West ang laban namin ni Ginoong Hatton at tinatayang mas malaking bilang ng manonood ang susubaybay sa aming bawat kilos patungo sa May 2 (May 3 sa Manila) laban.

Dumating sa Los Angeles ang aking pinakamamahal na asawang si Jinkee sa gabi ng Biyernes upang bigyan ako ng suporta at karagdagang inspirasyon. Sa hirap ng training, ang kanyang pagdating ay malaking tulong dahil biglang napapawi ang lahat ng pagod at sakit ng katawan na nadarama. Ngunit hindi naman magtatagal ang aking asawa dito sa Los Angeles dahil kailangan din siya sa bahay kung saan ang aming apat na anak ay naiwan.

Gaya ng aking isinusulat sa bawat laban ko, malaking sakripisyo talaga ang ibinibigay ng bawat isa sa aming mga boksingero at alam ko, si Hatton din ay nagbubuwis ng dugo sa kaniyang training camp. Kasama ko rin dito sa Los Angeles ngayon ang dalawang boksingero na kapwa may kani-kaniyang hangad patungo sa pinakamalaki nilang laban sa kanilang buhay.

Ang aking kumpare na si Gerry Penalosa ay sasabak sa teritoryo mismo ng kalabang si Juan Manuel Lopez at marami ang nagsasabing baka hindi palarin si Gerry sa laban na ito. Ang isa pang boksingero na kasama ko mismo sa training camp ay si Bernabe Concepcion na lalaban sa kauna-unahang pagkakataon para sa world title kontra kay Steven Luevano sa undercard ng aking laban.

Para kay Pareng Gerry, buo ang aking paniniwala na ang kanyang tapang at kakayahan bilang isang beteranong boxer ang magiging susi ng kaniyang tagumpay sa April 25. Napapanood ko ang batang si Lopez, ang WBO super bantam champion, at bukod sa mabilis ang Puerto Ricano na lalaban sa harap ng kanyang mga kababayan, siya rin ay may taglay na lakas at nakita ko mismo ang iba sa kaniyang mga laban.

Pero si Ginoong Penalosa ay iba sa lahat ng mga boksingerong aking nasubaybayan sa aking career dahil bukod sa magaling ang kanyang depensa, matalinong boksingero si Gerry. Mahirap magbigay ng prediction pero nakita ko ang determinasyon ng taong ito. Sa tingin ko, magandang laban ang mangyayari at sana ang kamay ng Pinoy ang itataas ng referee sa pagkatapos ng laban.

Si Concepcion naman ay bata pa pero sa tingin ko ay handa na siya upang maging isang world champion. Nakita ko ang kanyang tapang at galing noong isang taon nang manalo siya kontra sa isang Mexicano at kahit na duguan ang kanyang mata, tinapos niya ang laban sa pamamagitan ng isang knockout. Gaya ko, ang tagumpay ng ating mga kapwa boxer ay tagumpay nating lahat. Sana ay ipagdasal ninyo rin sila gaya ng pagpapanalangin ninyo sa ating tagumpay.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • IBA embraces Bare Knuckle Boxing
    Tue, 06 May 2025
  • Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
    Mon, 05 May 2025
  • "THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
    By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025
  • Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
    By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025
  • Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
    By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025
  • Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
    By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025
  • Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
    By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025
  • Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
    Sun, 04 May 2025
  • Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
    Sat, 03 May 2025