Mobile Home | Desktop Version




Magandang Simula

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 19 Mar 2009




LOS ANGELES ? Magandang, magandang araw po sa inyong lahat, mga giliw kong tagasubaybay. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa lahat ng sulok ng mundo.

Sa pagpasok ng unang linggo ng sparring para sa paghahanda sa laban kontra kay Ricky Hatton ng England, nasisiyahan ako sa naging resulta ng unang araw ng sparring kahit na medyo masakit pa rin ng kaunti ang aking mga kasu-kasuan. Apat na rounds lang ang sparring sa araw ng Martes pero naging maayos naman ang aking ikinilos, bagay na ikinasiya ng aking team.

Mahirap po talaga ang buhay ng mga boxer na gaya naming at gaya ng sinapit ng aking sparring partner, talagang mapanganib ang bawat segundo na lumilipas sa ibabaw ng ring. Si Art Hovhanessyan, isang Armenian fighter na wala pang talo, ay naputukan sa mata sanhi ng isang suntok na aking pinawalan. Kahit na may head gear iyong aking sparring partner, medyo sadyang napuruhan siya sa tama ng isang kaliwa sa ikaapat na round ng sparring.

Nakapagtala rin ako ng isang knockdown sa ikalawang round dala rin ng kaliwang kamay na aming inihahanda para kay Hatton, ang pambato ng Europa. Kahit na medyo inaalalayan ko ng kaunti, hindi puwedeng hinaan ang mga suntok, lalong lalo na at medyo mabilis ang ating makakalaban sa Mayo 2 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Para sa aming mga boxer, ito ay isang trabaho. Mahirap humingi ng paumanhin sa ganitong mga pagkakataon at para sa amin, madaling intindihin ang ganitong sitwasyon. Iba talaga ang panganib ng boxing. Sa isang saglit, maaaring mangyari ang kahit na anong panganib.

Magaling na boksingero si Hatton kaya seryoso talaga ang aming training sa Wild Card Boxing gym kasama ang aking coach na si Freddie Roach. Kasama rin sa koponan ang baguhan ngunit matalinong si Michael Moorer, dating world champion ng heavyweight division. Kasama rin diyan sina Buboy Fernandez na matiyagang humalili sa akin dahil nasa England si Coach Freddie para sa laban ng aking kaibigan na si Amir Khan nitong huling linggo. Si Alex Ariza naman ang sumusubaybay sa strength and conditioning at masaya ang training camp dahil pare-parehong nagtutulungan silang lahat para sa tagumpay ng grupo.

Malayo pa ang tatahakin namin sa paghahanda sa laban. Marami pang hirap, pagod at panganib ang aking dadaanan at sa tulong ng Panginoong Diyos, malulusutan natin iyan upang sa araw ng laban, ako ay aakyat ng ring na tanging pagpapanalo nating lahat lang ang aking iisipin.

Kahit na maganda ang simula ng training, hindi pa rin ako dapat mahulog sa patibong ng pagiging over-confident. Alam ko, bukod kay Ricky Hatton, lahat ng boxer ay gusto akong talunin upang makuha nila ang titulo at korona na nakapatong sa aking ulo, ang pagiging No. 1 sa pound-for-pound list ng best fighter sa buong mundo. Gaya na rin ng aking sinabi noong huli, ?if you train hard, the fight will be easier.? Kailangan talagang maging handa palagi.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
    Tue, 16 Dec 2025
  • TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
    Tue, 16 Dec 2025
  • JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
    Tue, 16 Dec 2025
  • Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
    Tue, 16 Dec 2025
  • INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
    Mon, 15 Dec 2025
  • Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
    By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025
  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025