Mobile Home | Desktop Version




Kahalagahan ni Buboy Fernandez

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 12 Mar 2009



LOS ANGELES?Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang dako ng mundo kayo naroroon. Kung ako ang inyong tatanungin, ako po ay mabuting-mabuti naman at puspusan pa rin ang ensayo patungo sa laban natin sa May 2.

Habang isinusulat ko ito, may halos 50 araw pa bago kami magkakaharap ni Ricky Hatton, ang pambato ng Europe at ng United Kingdom sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Mahaba pa rin ang panahon upang maibalik ko ng lubos ang aking kundisyon sa pangangatawan at kahit na wala ngayong linggo si coach Freddie Roach, hindi naman namin iniinda ang kaniyang kawalan. Nasa United Kingdom ulit si coach Freddie dahil siya ang aalalay kay Amir Khan, isang batang boksingero na naging sparring partner ko noong isang taon nang paghandaan ko si Oscar Dela Hoya noong Disyembre. Gaya rin ng lahat ng aking mga naging ka-spar, si Amir ay naging mabuti kong kaibigan at sa kaniyang laban kontra kay Marco Antonio Barrera, binigyan ko siya ng mga kaunting inpormasyon upang makapagbigay siya ng isang magandang laban at lumaki ang kaniyang tsansa upang manalo.

Pagkatapos ng laban ni Amir, babalik na rin sa Lunes si coach Freddie upang tapusin namin ang sinimulan naming training camp noong isang linggo pagkatapos din naming pumunta sa England.

Walang kaparis si coach Freddie at gaya ng aking nasabi mula pa noon, siguro, magreretire ako sa boxing na siya ang aking kasama hanggang sa huling sandali. At hindi na rin siguro magtatagal bago ako magreretire sa sport na ito dahil kung tutuusin, 14 taon na ako sa labang ito.

Pero kahit na wala si coach Freddie, nagagawa rin naming pag-aralan at perpektuhin ang mga bagay-bagay na dapat gawin upang paghandaan ang style ni Hatton, na isa ring magaling na boksingero. Kasama ko si Buboy Fernandez na medyo nabubugbog sa paghawak ng mitts. Kahit na medyo tumaba na si Buboy, mabilis pa rin ang kanyang kamay at kapansin-pansin na rin ang kanyang talino sa pag-aaral ng mga pinong sining ng pakikipaglaban.

Malayo na ang narating ni Buboy mula nang kunin ko siya sa General Santos at nagsimulang mag-aral bilang isang trainer. Ngayon, isa na rin siyang eksperto sa pagbasa ng bawat kilos ng kalaban at nailalagay niya sa praktikal na pamamaraan ang pag-train gamit ang mitts.

Kasama rin sa training ang aking mga trainers na sila Michael Moorer, ang bagong karagdagan sa team. Kasama rin sila Nonoy Neri, Eric Brown at ang conditioning coach na si Alex Ariza.

Masaya ang training camp at nagkakaisa ang lahat. Iyan ay isa sa mga importanteng bagay upang tayong lahat ay magwawagi ulit sa huli.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

Top photo: Trainer Buboy Fernandez apparently exhausted after doing the mitts with Pacquiao last week. Photo by Miguel Salazar.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com




Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • IBA embraces Bare Knuckle Boxing
    Tue, 06 May 2025
  • Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
    Mon, 05 May 2025
  • "THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
    By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025
  • Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
    By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025
  • Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
    By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025
  • Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
    By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025
  • Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
    By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025
  • Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
    Sun, 04 May 2025
  • Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
    Sat, 03 May 2025