Mobile Home | Desktop Version




Tagumpay sa England: Paumanhin sa Aking Mga Kababayan

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 05 Mar 2009




LOS ANGELES?Kumusta na po kayong lahat, mga minamahal kong mga tagahanga, kaibigan at mga kababayan. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon. Special mention po ang lahat ng aking mga kapwa Pilipino at mga fans na nasa England dahil pinataba po ninyo masyado ang aking puso at lalo ko pong nadama ang pagmamahal ninyong lahat.

Kalalapag lang po namin dito sa Los Angeles matapos ang isang mahabang biyahe mula sa United Kingdom upang i-promote namin ang laban sa May 2 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas. Katunggali ko po sa laban na ito si Ricky Hatton, isang maginoong mandirigma na tubong Manchester, England. Marami po akong mayayamang ala-ala sa tour na ito at nais kong i-share sa inyo ang magagandang mga pangyayari sa mayamang bansa na ito.

Masasabi kong isang matagumpay na promotional tour ang naganap sa UK dahil sa natanggap naming publicity mula sa media at sa mga fans na talaga namang nagdagsaan upang masilayan ang mga kaganapan sa press tour at sa press conference sa London at Manchester.

Hindi ko inaasahan ang pagdagsa ng tao, lalong lalo na ang dami ng mga Pilipinong sumuporta sa akin sa dalawang siyudad na pinuntahan namin. Sa Manchester at sa London, hindi po nagpadaig pati ang aking mga fans dahil dumating silang lahat upang ipakita sa buong mundo ang pagkakaisa ng lahat ng mga Pilipino, lalung-lalo na sa ibang bansa.

Inaasahan kong magiging matindi ang suporta na dadalhinng mga fans ni Ricky Hatton dahil sa teritoryo niya ang lugar ng mga press tour. Pero hindi ko po lubos maisip na sa England ay magiging patas ang cheering squad at supporters ng bawat kampo. Tinatayang umabot sa anim na libong katao ang dumagsa sa Manchester at hindi naman po sa pagmamalabis, sa tingin ng marami ay naging pantay ang bilang ng mga Pacman fans kontra sa ingay ng mga Hitman fans. Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga dumating.

Ipinagpapaumanhin ko rin ng lubos ang kakulangan ng oras upang makasalamuha ko kayong lahat, aking mga kababayan. Nakapagpapirma ang ilan at nakapagpakuha ng photos ang marami pero talagang kapos sa oras lang talaga at hindi ko napaunlakan ang lahat. Sana, kung sapat lang o labis ang aking free time, nakapag-usap man lang sana tayong lahat. Dahil na rin sa higpit ng aming schedule, kailangan naming habulin ang isa pang press conference sa London at hindi na kami tumagal pa. Nakakapagod man pero talagang napawi ang lahat sa nakita kong suporta at pagmamahal ng mga tao.

Nagpapasalamat din ako kay Ricky Hatton dahil sa kanyang mainit na pagtanggap sa aking koponan at kahit na inaasahang magiging mainit na bakbakan ang magaganap sa May 2, hindi naging kasing-init ang paghaharap namin. Gaya ko rin, si Hatton ay hindi mahilig na magsalita ng mga masasamang bagay upang ibenta lamang ang isang laban. Gaya ko rin, ipinakita ni Hatton na hindi kinakailangan na maging pala-away upang mapansin ng media ang isang malaking laban.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

Top photo: Hundreds of fans greet Pacquiao in UK. Photo by Chris Farina / Top Rank.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025