Mobile Home | Desktop Version




Sa Teritoryo ng Kalaban

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 01 Mar 2009




LONDON ? Kumusta po sa inyong lahat, mga masusugid na tagasubaybay ng kolum na ito. "How are you, mate?" sabi nga ng mga tao dito sa England, kung saan naroroon ako ngayon kasama ang aking koponan upang mag-promote ng laban namin ni Ricky Hatton na tiga rito.

Nakakapagod man ang pagdayo namin sa United Kingdom, kasama sila coach Freddie Roach, promoter Bob Arum, ang aking lawyer na si Jeng Gacal, at iba pang mga kaibigan at team members, wala naman dapat ikatakot dahil wala naman magaganap na laban dito, kundi ang palawakin at palakihin lang ang interes ng mga manonood ng laban namin sa May 2 sa Las Vegas.

Ayon sa aking nabalitaan mula sa aking promoter, sold out na ang mga tickets at siguradong dadagundong ang MGM Grand Arena sa Las Vegas sa araw ng laban namin. Nadama ko na totoong makabayan din ang mga British gaya ng ilan sa mga laban ni Hatton at ang kareretiro lang na si Joe Calzaghe na kung saan dumadayo at dumadagsa talaga ang mga fans at supporters ng mga boksingerong ito. Dito sa England, naramdaman ko kaagad ang pagsuporta ng mga fans sa kanilang pambato pagdating ko pa lang sa airport.

Kahit na pagod ako sa mahigit na 16 oras na biyahe mula Manila-Hongkong-Heathrow airport ng Great Britain, pupunta kami sa lugar ni Ricky Hatton mamaya. Sa araw ding ito, maglalaro kami ng darts ng boxing champion dahil nabalitaan kong magaling din daw siya sa larong ito.

Mula London patungong Manchester sa umaga, magkakaroon kami ng press rally sa Trafford Center-Great Hall sa araw na ito. Habang binabasa nyo itong kolum na ito, malamang natapos na ang laban namin sa darts at natapos na rin ang press tour namin. Pero naka-schedule din ang pagbisita ko sa mga importanteng lugar sa UK gaya ng Imperial War Museum at iba pa. Nakatakda rin akong bumisita sa Consulate Office ng Pilipinas.

Nakaharap ko na dati si Hatton at hindi naman nagkakalayo ang aming height. Noong laban namin ni Oscar Dela Hoya noong Disyembre, naroroon din siya sa araw ng laban at kahit na noong timbangan. Gaya ko, palabiro rin si Hatton pero matinik din sa ibabaw ng ring.

Maganda ang klima dito sa London at nang dumating kami, nasa 15 degrees Celsius at medyo maulap. Hindi ko lubos akalain, pero marami rin palang nakakakilala na sa akin dito at hindi ko naman tinanggihan ang maraming mga taong humingi ng autograph at nagpa-picture sa akin, kahit na sila ay mga kababayan ng kalabang si Hatton. Marami ring mga kababayan na Pilipino dito at may mga sumalubong pa nga sa akin sa airport. Sigurado ko bukas, mainit ang pagsalubong sa akin ng mga fans ni Hatton.

Sa unang pagbisita ko sa England, masasabi ko na magiging patok sa pay-per-view ang laban namin ng kampeon sa 140 pounds dahil sa matinding pagsuporta ng mga fans kay Hatton. Pero alam ko naman po, na tayong mga Pilipino ay hindi pahuhuli dahil nasa likod ko kayong lahat at alam ko, buo ang bansang Pilipinas kapag ako ay lumalaban. Sana po, suportahan ninyo ako sa laban na ito gaya ng dati.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025