
Happy Valentine?s Day Sa Lahat
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 15 Feb 2009

GENERAL SANTOS CITY?Magandang araw po sa inyong lahat. Happy Valentines Day din sa aking mga tagasubaybay, mga kapwa Filipino at mga fans ng boxing sa buong mundo.
Kahit na siguro lumabas na medyo late ang kolum na ito at hindi na February 14, alam ko naman na marami pa rin sa inyo ang naniniwala na puwedeng maging araw ng mga puso sa bawat araw.
Una sa lahat, gusto kong batiin ng buong pagmamahal ang kabiyak ng aking puso, si Jinkee, ang aking pinakamamahal na asawa. Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon sa bawat laban at sa pang-araw-araw na paglipas ng panahon. Hindi ko na lubos maisip na kaybilis talaga ng panahon at mula pa noong nagkakilala kami at ikinasal ni Jinkee, naging apat na ang aming anak at tuluy-tuloy ang aming paglakad sa bawat pagsubok ng buhay.
Kasama ko siya sa pagsulong ng aking boxing career at nagpapasalamat ako sa kaniya dahil naiintindihan niya ang hirap ng pagiging isang public figure at ang mga sakripisyo na nakakabit dito.
Totoo po, minsan, nami-miss ko na rin na magkaroon ng normal na buhay, iyong tahimik at iyong nakakapaglakad sa kalye na walang bodyguard at walang pumapansin sa iyo. Halos nagiging imposible na na bibisita ako sa isang mall o manonood ng sine na hindi pinuputakti ng tao. Mahirap po talaga sa akin na makaalis sa mga ganitong sitwasyon dahil mahirap talaga kung minsan pasayahin ang lahat ng tao. Kadalasan, kailangan nating kamayan ang lahat kahit na kinakailangan nang umalis at kinakailangan nang magpaalam.
Pati si Jinkee, kung minsan ay kinakailangang magpakuha ng mga pictures sa aking mga fans at kababayan. Kung minsan, sasabihin ng ibang tao na isnabero kami kapag hindi na pumapayag sa kanilang kagustuhan. Mahirap pagbigyan ang lahat at hindi natin mapapasaya ang lahat.
Maraming mga bagay ang kasama ng pagsikat ng isang tao. Nandiyan ang maraming pagsubok sa ating buhay sa araw-araw at salamat kay Jinkee sa pagiging matatag at malakas sa gitna ng lahat ng ito. Mula nang makilala ko siya noong hindi pa ako gaanong sikat, hanggang sa ikinasal kami at magkaroon ng mga anak, naririyan siya sa aking tabi upang magbigay ng direksiyon sa buhay. Hindi ko rin lubos maisip kung anong klaseng buhay mayroon ako ngayon kung ako ay single pa. Marahil, walang patutunguhan ang aking buhay.
Sa aking mga anak ? sina Jimuel, Michael, Princess at Queenie ? mahal na mahal ko kayong lahat. Sana, maintindihan ninyo na ang lahat ng pagsisikap ko ay para sa ating kinabukasan.
Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025