Mobile Home | Desktop Version




Masayang Paglalakbay sa Guam

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 08 Feb 2009




GUAM ?- Magandang araw po sa inyong lahat. It is nice to be back in Guam, this time being part of GMA Network and a group of entertainers who are connecting with Filipinos in this US territory.

Habang sinusulat ko ang kolum na ito ay naghahanda pa lang kami nila Robin Padilla, Regine Velasquez, Marian Rivera, Dingdong Dantes at Ogie Alcasid sa pagbibigay-saya sa ating mga kababayan dito sa Guam. Kasama ko rin po ang aking maybahay na si Jinkee sa trip na ito at lubhang masaya naman ang biyahe kasama ang aking mga kaibigan.

Bukod sa pagbibigay-saya, kinuha ko na rin ang oportunidad na i-promote ang laban ko sa May 2 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas kontra kay Ricky Hatton ng United Kingdom.

Inaasahan naming maraming tao ang manonood ng aming palabas at alam ko, marami sa mga tiga-Guam ang sumusunod sa aking career at sa bawat laban na nagaganap sa buhay ko.

Kasama ko rin sina Robin Padilla upang i-promote namin ang bago naming show sa GMA 7, pinamagatang "Totoy Bato."

Medyo mas kinakabahan pa ako sa pagpe-perform sa isang concert kaysa sa pakikipaglaban sa ring. Pero, enjoy din ako sa pagbibigay ng kasiyahan sa ating mga kababayan na alam kong sabik na sabik na na makita ako at ang kanilang ibang mga kababayan na artista.

Sa ibabaw ng ring, wala akong kaba, kahit na mas matatangkad ang aking mga kalaban at di-hamak na mas malaki sa akin. Siguro, ipinanganak talaga akong isang mandirigma kaya mas madali sa akin ang lumaban sa ring kaysa sa mag-perform ng live sa itaas ng stage.

Hilig ko rin talaga ang pagkanta at sa pamamagitan nito, natatanggal ang stress sa katawan at gaya ng sabi nila, nae-exercise din ang baga ng isang tao, isang bagay na importante rin sa pagboboksing. Gaya na rin sa lahat ng aking training camp, panay-panay din ang aming pagkanta upang mabawasan ang lungkot ng pagkakalayo sa pamilya sa matagal na panahon.

Top photo: Manny (R) with wife Jinkee.


Manny (C) with GMA 7 entertainers.


L-R: Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Manny Pacquiao.


L-R: Bren Evangelio, Manny Pacquiao, Marian Rivera and Dingdong Dantes.

Masaya ako at napabilang ako sa mga entertainers na professional gaya ni Regine Velasquez, na ang boses ay pwedeng maipagmamalaki sa buong mundo. World-class talent talaga si Regine, na kasama rin si Ogie Alcasid, ang kaniyang mahal sa buhay. Bukod sa magagaling silang kumakanta, masaya rin silang kasama dahil sila ay mga totoong tao at kaibigan.

Inaanyayahan ko rin pala kayong lahat na panoorin ang "Totoy Bato" na malapit nang ipalabas sa ating Kapuso Network.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025