
ISANG LINGGO NA LANG: PANAWAGAN SA LAHAT
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 30 Nov 2008

LOS ANGELES ? Kumusta po ulit kayong lahat mga minamahal kong tagapagsubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa maganda kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod na excited nang lumaban dahil isang linggo na lang ang ating hihintayin at malalaman na natin ang resulta ng "Dream Match," ang sagupaan ni Oscar Dela Hoya at Manny Pacquiao.
Kung hindi pa ninyo naitatala ang oras at araw sa inyong mga kalendaryo, gaganapin ang laban sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada. Dito sa America, ang petsa ay December 6, sa ganap na alas 8 ng gabi. Ibig sabihin, mga alas 12 ng tanghali ng December 7 sa Pilipinas ang takdang oras ng aktwal na laban.
Kahit na isang linggo na lang ang nalalabi para masimulan na namin ni Dela Hoya ang pagwawakas ng isa sa pinakaimportanteng yugto ng aming career, marami pa rin akong dapat tapusin at gampanan sa susunod na linggong ito. Kahit na pabawas na ng pabawas ang hirap namin sa training dahil ilang rounds na lang ang sparring, malaking bagay pa rin ang kinakailangan ko upang makamit kong lubos ang mga tamang sangkap sa pagpapanalo ng laban.
Pangunahin sa lahat ay ang aking pagkuha ng katahimikan ng pag-iisip at ang pagtitibay ko ng aking paniniwala sa Poong Lumikha dahil alam ko, siya ang nagbigay ng lahat ng nasa akin ngayon at siya ang susi ng tagumpay sa labang ito. Ginawa ko na lahat ang aking magagawa sa paghahanda, pinarusahan ko na at nagsakripisyo na ako ng malaki upang makuha ang 100% na kondisyon, kaya alam kong ang Diyos na ang bahala sa magiging resulta ng laban.
Kaakbay ng ispiritwal na paghahanda ay ang mental, emosyonal at pisikal na pagkukundisyon ng sarili. Mahalaga ang pagkukuha ko ng katahimikan at konting oras ko para sa sarili ko upang sariwa at maginhawa at buo ang aking pag-iisip sa araw ng laban.
Ang pisikal na aspeto ng aking training ay halos matatapos na. Masasabi kong medyo lumakas ang aking suntok dahil hindi na ako halos magpipiga ng sarili dahil sa timbang na 147 pounds ang paglalabanan namin. Lumaki rin po ang aking katawan at proportion ito sa aking height kaya hindi naman tayo madedehado sa timbang. Siyempre po, hindi ko hinayaang mabawasan ang aking bilis dahil sa aking paningin, iyan ang magdadala sa atin ng tagumpay.
Kaya naman po, nananawagan lang ako ng kaunti sa aking mga kaibigan, tagahanga, at maging ang iba kong miyembro ng pamilya na sana, pagbigyan ninyo ako ng kaunti at mapagkalooban ninyo ako ng kaunting katahimikan upang makapag-concentrate ako ng lubos sa laban na ito, lalung-lalo na sa darating na huling linggo ng training.
Ito po ang pinakamalaking laban nating lahat, kaya sana, magsama-sama tayong lahat upang sabay-sabay tayong papalakpak at magkakasiyahan, lalung-lalo na kapag tayo ang magwawagi.
Let us continue to pray for one another so that in the end, we will all be winners.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025