Mobile Home | Desktop Version




HANDANG-HANDA NA ANG LAHAT

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 27 Nov 2008




LOS ANGELES?Halos isang linggo na lang ang nalalabing pagtitiis, pag-eensayo at pagpaparusa sa sarili upang mapaghandaan ko ang pinakamalaking pagsubok sa aking boxing career at masasabi kong handang-handa na ang lahat upang sagupain ko si Oscar Dela Hoya sa "Dream Match" sa Disyembre 6, sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Handa na ba kayong lahat upang panoorin at saksihan ang laban? Kung ako po ang inyong tatanungin, medyo excited na ako na makipagbakbakan sa tinaguriang Golden Boy ng sport na boxing sa pinakaaabangang laban ng taong ito, o marahil ay sa dekadang kasalukuyan.

Mula sa 12 rounds ng sparring noong Sabado, pababa na nang pababa ang bilang ng sparring rounds at sa araw ng Sabado, ako po ay nag-spar na ng 10 rounds upang maitala sa 141 rounds na ang kabuuang bilang. Sa Huwebes, bababa pa ulit ang bilang na ito hanggang sa susulong na kami papuntang Las Vegas sa Lunes, Disyembre 1 kasama lahat ng aking team.

Dumarating na paisa-isa at kung minsan ay dagsaan ang aking mga panauhin, pamilya, mga kaibigan at mga taga-suporta at lahat sila ay nagbibigay sa akin ng karagdagang lakas ng loob, talas ng pag-iisip at moral support. Maganda ang aking pakiramdam sa laban na ito at excited na rin ako na ipakita ang galing, tapang, sigla at bilis ng isang Pilipino.

Sa kasalukuyan po ay kumakain pa rin ako ng marami dahil napapansin kong napupunta at naibubuhos lahat sa training ang aking kinakain at nagbabawas ako ng timbang na kasingbilis ng pagdating ng laban na ito. Parang kailan lang, may dalawang buwan pa ang nalalabi nang magsimula tayo sa training camp na ito at ngayon, ilang tulog na lang ang hihintayin.

Tuloy pa rin ang aking pagtakbo sa umaga kahit na sobrang ginaw at kahit na nagsisimula na ring umulan dito sa Los Angeles, tuloy pa rin ang ensayo dahil alam ko, hindi ako dapat magpabaya.

Si coach Freddie Roach, si Buboy Fernandez, Eric Brown, Nonoy Neri at Alex Ariza at lahat ng miyembro ng aking training team ay kapwa na rin nagsisipaghanda sa kani-kanilang mga tungkulin para sa laban na ito na inaasahang makakapagtala ng maraming record sa pay-per-view sales sa larangan ng boxing. Maging ang mga media sa Europa ay nakatutok na rin sa aming laban ni Dela Hoya dahil marami na rin akong mga request na natatanggap para sa sari-saring interview.

Inaasahan kong magiging makasaysayan at makabuluhan ang labang ito dahil nagyayabang na si Dela Hoya na nagsasabi na patutulugin daw niya ako sa loob ng limang round. Isa lang ang masasabi ko diyan. Ako rin ay may malaking sorpresa para sa kanya sa araw ng laban at ang aking mga kamao na lang ang magsasalita para sa akin dahil hindi ko gawain na gumawa ng paghuhula kahit hindi pa natatapos ang laban.

Sana, ipagpatuloy pa rin ninyo ang pagdarasal at pagsuporta sa akin. Magkita-kita tayo ulit sa Disyembre 6.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025