
Pagsalubong sa Bagong Miyembro ng Pamilya Pacquiao
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 13 Nov 2008
LOS ANGELES ? Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga ginigiliw kong kababayan. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya rin ng inyong abang lingkod na kasalukuyang nagpapakahirap at nagsasakripisyo sa paghahanda sa laban kontra kay Oscar Dela Hoya sa isang buwan.
Kahapon, sa araw ng Martes, ako po ay nag-spar na ng siyam na rounds kontra sa tatlong mga sparring partners. Habang papalapit na sa petsa ng laban ay pahirap na nang pahirap ang aming paghahahanda at hindi po madali ang sumabak sa mas malalaking mga kalaban.
Pero kailangang harapin ang ganitong mga pagsubok upang mapanatili natin ang mataas na antas ng training at mapaghandaan ang anumang pwedeng ibato at iharang sa atin ni Dela Hoya na nagpahiwatig din ng kanyang lubos na paghahanda sa Disyembre 6 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.
So far, so good. I feel I'm peaking at the right time and I am about 85 percent ready for the challenge of fighting a bigger and taller opponent. We are getting close to peak condition and I hope to reach the best shape of my life when Dela Hoya and I do battle next month.
Sinabayan ko sa laban sina Rashad Holloway na aking kinalaban sa apat na round, nakipagbunuan ng lakas kontra sa bata at wala pang talong si Marvin Cordova sa sumunod na tatlong round, at nakipaghabulan at nakipagbakbakan sa sikat at malakas na si Amir Khan, ang susunod na British superstar sa mga darating na araw at taon.
Sa kabuuan, nakapagtala na ako ng 78 rounds ng sparring mula nang simulan naming mag-spar mahigit isang buwan na ang nakakalipas. Hindi nagtatapos diyan ang mga pasakit at alam ko, kailangan kong ibigay ang lahat at todo ng aking makakaya at abilidad upang masorpresa ko si Dela Hoya, ang tinaguriang Golden Boy ng boxing.
Kung sakaling magagapi natin ang Goliath ng boksing, ito na siguro ang pinakamalaking achievement ko sa buhay at ito ay habambuhay kong maiaalay sa aking watawat at pamilya.
Habang pinag-uusapan natin ang aking handog sa aking pamilya, nais ko po sanang pasalamatan sina Kuya Allan at Cristy Magat ng Los Angeles sa kanilang pag-oorganisa at paghahanda ng isang baby shower nitong Linggo para sa aking susunod na baby.
Matagal ko nang kakilala ang kanilang pamilya simula pa noong nagsisimula pa lang akong gumawa ng pangalan sa mundo ng boxing dito sa America.
Kasama ang aking butihing maybahay na si Jinkee na pitong buwan nang nagdadalang-tao, naging masaya ang baby shower nang dumating ang aming mga ibat-ibang kaibigan na nag-alay ng mga regalo. Maraming salamat din ng marami kay Mommy Lucing ng Bahay Kubo Restaurant sa Temple Avenue sa Historic Filipinotown sa kanyang paghahanda ng mga pagkain para sa aking pamilya at ng Team Pacquiao. We really had a good time and from the bottom of my heart, Thank You.
Ipagpatuloy pa rin po sana natin ang pagdadasal para sa isa't isa.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025