
RESPETO PARA KAY BUBOY FERNANDEZ
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 02 Nov 2008

LOS ANGELES ? Kumusta po kayong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.
Kung ako po ang inyong kukumustahin, maayos na maayos po ang aking kundisyon at maganda at tahimik ang aming training camp para sa paghahanda namin kay Oscar Dela Hoya sa Disyembre 6 sa Las Vegas, Nevada.
Bukod sa masaya kami ni Coach Freddie Roach sa aming punch mitts sessions dahil malaya at bukas ang aming pagpapalitan ng kaalaman tungkol sa estilo ni Dela Hoya, mainam din ang aking mga ka-spar dahil lahat sila ay pawang magagaling, malalakas at mabibilis.
Bukod sa matinding paghahanda at pagsasakripisyo naming, masasabi kong malalim din ang pagsusuri ng aking koponan sa mga bagay na pwedeng mangyari at gawin ni Dela Hoya sa araw ng laban. Naririyan si Eric Brown at ang aking pinagkakatiwalaang tinyente na si Buboy Fernandez na naging dalubhasa na rin sa sining ng boksing.
Sa bawat galaw na aming ginagawa sa ring, naririyan si Buboy upang magbigay din ng kaniyang mahalaga at malalim na kaalaman at lubos akong nasisiyahan sa kanyang mga tulong.
Halos buong buhay ko nang kilala si Buboy, mula pa noong kami ay mga bata pa sa Labangal, sa General Santos City, kung saan kami lumaki. Kabitbahay ko si Buboy at halos apat na taon lang ang diperensiya ng aming edad. Natatandaan ko pa noon, butas-butas pa ang aming mga salawal. Nagkahiwalay ang aming landas nang ako ay nagsimulang maghanap ng aking kapalaran at napadpad sa Digos, Davao del Sur at sa Maynila, kung saan ako ay nagsimulang manalo bilang isang professional sa gulang na 16.
Naaalala ko nang bumalik ako sa General Santos noong 1999 bilang isa nang kampeon. Nagkita ulit kami ni Buboy at naisip kong tulungan siya dahil bukod sa marami kaming pinagsamahan noong kami ay mga bata, alam kong malaki ang pwede niyang maitulong sa akin. Naninigarilyo, sunog sa araw ang kaniyang balat, payat at butas pa rin ang suot na salawal, isinama ko si Buboy sa Maynila upang doon din niya hanapin ang kaniyang kapalaran.
Sa edad na 24, tinuruan ko si Buboy na humawak ng mitts at magsanay bilang isang trainer at kahit na hirap na hirap siya at kung minsan ay naiiyak din sa hirap ng buhay, unti-unting natuto at gumaling si Buboy. Ilan pang panahon ang nagdaan, nakita kong mas magaling na siya kaysa sa ibang mga datihang trainer sa gym.
Nang ako ay naging world champion ulit sa super-bantamweight division, isinama ko na rin si Buboy sa America at siya na ang humahalili kay Coach Freddie sa maraming bagay. Sa laban na ito at sa mga nagdaan pang mga laban, si Buboy ay matiyagang nanonood ng mga DVD at mga tapes ng laban ng aking mga makakalaban at nabubuo rin niya ang tamang sistema upang talunin at wasakin ang anumang estilo nila. Malayo na ang narating ni Buboy at ako ay natutuwa dahil nang siya ay aking tinawag upang sumama may sampung taon na ang nakararaan, hindi niya ako hinindian. Ngayon, isa na siyang trainer na malalim na rin ang kaalaman sa sining ng pakikipaglaban.
Salamat, Buboy!
Sana po ay tuluyan pa rin ninyo kaming suportahan sa pinakamalaking laban natin. Hanggang sa muling Kumbinasyon. God bless us all.
Top photo: Buboy Fernandez assisting Pacquiao's stretching exercise during the Cebu training camp for the Barrera fight.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025