Mobile Home | Desktop Version




SI JINKEE, ANG AKING PINAKAMAMAHAL

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 30 Oct 2008


Jinkee Pacquiao.

LOS ANGELES ? Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon.

Sa pagpasok ng huling limang linggo ng paghahanda para sa laban, halos kumpleto na ngayon ang lahat ng aking kinakailangan. Dumating noong isang araw, araw ng Lunes, ang aking pinakamamahal na asawa na si Jinkee upang mapaghandaan na namin ang pinakamalaking laban ng aking buhay?ang sagupaan namin ni Oscar Dela Hoya.

Naririyan si Jinkee sa lahat ng aking laban upang bigyan ako ng suporta at ng lakas sa pakikibaka sa aking mga kalaban. Siya ang nagsisilbing pinakamalaking inspirasyon ko upang maibigay ko ang pinakamaganda at pinakamagaling na performance ko sa itaas ng ring.

Sa nagdaang panahon, tatlo na ang naging anak namin ni Jinkee at malapit nang maging apat ito dahil nagdadalang-tao ngayon ang aking misis. Inspirado ako ngayon sa aking pag-eensayo dahil na rin sa pagdating ng aming ikaapat na anak, upang makumpleto na ang suwerte ng aking buhay. Naririyan sina Emmanuel Jr. o Jimuel, si Michael Stephen at si Mary Divine Grace na aking "Princess."

Dahil na rin sa nag-aaral pa ang aking dalawang lalaking anak sa Maynila, siguro sa Christmas break na lang sila makakahabol dito sa America, kasama na rin si Princess. Silang lahat ang dahilan kung bakit bumabangon ako ng maaga upang tumakbo at maghanda sa laban. Silang lahat ang nagbibigay sa akin ng karagdagang sigla upang maabot ko pa lalo ang mga bagay na pangkaraniwan ay hindi nakakamit ng ibang mga tao.

Malaki ang pagpapasalamat ko kay Jinkee dahil taglay niya ang lakas at tiyaga na kinakailangan ng isang asawa ng isang boxer na katulad ko. Maraming salamat sa iyong pang-uunawa. Maraming salamat sa iyong pag-aaruga at sa pag-aalaga sa ating mga anak lalung-lalo na kapag wala ako sa bahay. Dahil ang buhay ng isang boxer ay nangangailangan ng malaking sakripisyo gaya ng paglayo kung minsan sa kanyang pamilya upang mag-train ng seryoso sa malayong lugar, importante na mayroong isang kagaya ng aking asawa na umaasikaso sa lahat ng naiwang gawain sa bahay.

Sa pagpasok ng huling buwan ng training, pahirap na nang pahirap ang paghahanda ng Team Pacquiao. Kahapon, araw ng Martes, nag-spar ako ng limang round, dalawa kontra sa sumisibol na British Olympic champion na si Amir Khan at tatlo laban sa matangkad na si Rashad Holloway.

Dumating na rin ang ikatlong sparring partner ko na nagsimula na ring mag-ensayo sa gym. Silang lahat ang tutulong sa akin upang mapaghandaan ko ang anumang bagay na maaaring gawin ni Dela Hoya sa December 6, sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Sana po, ipagpatuloy pa rin ninyo at sama-sama tayong manalangin para sa ating ikapagtatagumpay.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025