
BAKBAKAN, PAINIT NA NANG PAINIT!
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 16 Oct 2008

LOS ANGELES ? Habang lumalamig po dito sa Los Angeles, siya namang painit nang panit sa loob ng Wild Card gym ni coach Freddie Roach para sa paghahanda nating lahat sa laban kontra kay Oscar Dela Hoya.
Hindi natin mamamalayan at ilang tulog na lang ang December 6 na siyang araw ng sagupaan namin ni Golden Boy sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, na siya ring lugar kung saan ako unang nagpakitang-gilas dito sa America.
Martes ng tanghali, ako po ay nagsimula nang mag-spar. Apat na rounds ang aking tinapos sa araw na ito at ayon sa aking training team ay maganda naman daw ang aking ikinilos.
Nakaharap ko ang isang sumisibol na boksingero na si Rashad Holloway para sa unang araw ko ng sparring. Gaya ni Oscar Dela Hoya, matangkad at mas malaki si Holloway pero nakapagbigay naman tayo ng isang magandang performance kahit na malaki ang kaniyang kalamangan sa pangangatawan.
Alam ko pong marami pang bagay ang mangyayari sa training at mahaba pa ang pagsisikap natin upang maabot nating lahat ang pinakamatayog na pangarap sa larangan ng sports ng boxing. Sa tingin ko, kung maipapanalo natin ang laban na ito, mas malaking impact nito sa ikauunlad ng bayan gaya ng mga nangyayari sa mga bansang nagpapanalo ng World Cup soccer.
I will not let my fellow Filipinos down come fight time kaya naman puspusan po ang training ko sa gym. Araw-araw din ang pagtakbo ko sa patag upang ma-develop ang aking speed at umpisa sa Miyerkules ng linggo ring ito ay aakyat na rin kami sa Griffith Park kung saan makikita ang malaking HOLLYWOOD sign sa Hollywood. Sa bundok ng Hollywood ko palalakasin ang aking baga at paa upang hindi ako mahapo sa araw na ng boksing at lalong gaganda ang ating tsansa na maipanalo ang pinakamalaking laban ng ating buhay.
Sinabi ko po sa inyo na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang mapaghandaan ng husto si Ginoong Dela Hoya. Sa isang sikretong lugar sa Wild Card, ginagawa rin namin ang mga pagsasanay na siyang magbibigay sa akin ng panibagong lakas at bilis kahit na magpapalaki tayo ng katawan.
Huwag po kayong mabahala, basta ipagpatuloy lang po nating lahat ang sabay-sabay na pagpapanalangin natin sa isa't isa upang lahat tayo ay mailayo sa kapahamakan o sakuna. Wala po akong takot sa mga mas malalaking kalaban at hindi ko uurungan ang ano mang pagsubok.
Marami pang rounds ng sparring ang aking kukumpletuhin at mahaba-haba pa ang ating lalakbayin. Ang tibay lang ng ating pananalig sa Diyos ang siyang ating sandigan sa mga sandaling ito.
Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
Top photo: Tuesday's sparring session at the Wildcard Gym in Los Angeles.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025