
SULIT SA PAGOD (Part 2)
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 09 Oct 2008

LOS ANGELES, CA ? Matapos naming ikutin ang buong America sa isang buong linggo at makaharap ang maraming tao, balik na ulit kami sa gym upang seryosong paghandaan ang Dream Match, ang bakbakang Oscar Dela Hoya at Manny Pacquiao na gaganapin sa Disyembre 6 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.
Magandang araw po sa inyong lahat saan mang panig ng mundo kayo naroroon. Sana ay handa na rin kayo upang sumubaybay sa lahat ng magaganap na drama, pagod at pag-aabang sa napipintong labanan namin ni Ginoong Dela Hoya.
Kahapon lamang ay natapos na ang ika-anim na yugto ng promotional tour at sa aking palagay ay naabot namin ang target na interes ng mga manonood. Mula sa Statue of Liberty sa New York, sa Sears Tower, ang pinakamataas na gusali sa Chicago at sa buong US, sa NASA Space Center sa Houston, Texas, sa makasaysayang Alamo ng San Antonio, Texas, sa paanan ng Golden Gate bridge sa San Francisco, California, hanggang sa mismong bakuran ni Dela Hoya sa East Los Angeles, nakaharap namin ang libong mga tao at nakausap ang mga kinatawan ng media sa bawat siyudad.
Umaapoy ang pagsalubong ng mga fans, lalung-lalo na ang mga kapwa Filipino at Mexicano at kahit na rin ang mga regular na mamamayan ng America at ng buong mundo. Hindi pa nagsisimula ang bakbakan, tayo po, ang koponan na kabilang sa Team Pacquiao at ang bansang Pilipinas ay nagwagi na.
Hindi pa man din nabibitawan ang unang suntok na sa tingin ko ay mapapanood ng milyon-milyong katao sa buong mundo, ang pagbanggit pa lang sa pangalan ng lahat ng Pilipino ay lubos ko nang ikinakatuwa. Hindi ko po sukat na maisip mula nang ako ay magsimulang maging isang boksingero, na ganito kalayo ang aking mararating, na ako ngayon ay nasa sentro na ng isa sa pinakamalaki at pinaka-aabangang sultada sa larangan ng boxing.
Ang sagupaang Oscar Dela Hoya at Manny Pacquiao ay lubos na kakaiba, makaagaw-pansin at kapapanabikan. Tinitiyak ko po na sa unang segundo pa lamang ng panimulang batingting, makikita po ninyo ang kakaibang Manny Pacquiao na maghahanda ng lubusan at puspusan para sa tagumpay ng sambayanang Filipino at upang bigyan saya na rin ang lahat ng fans ng boxing.
Ako po ay mas maliit ng hindi hamak sa 5'10" na American-Mexican. At sa timbang na 147 pounds, ito na po ang pinakamabigat na laban na aking kakaharapin sa buong buhay ko. Excited na po ako at walang-takot kong aabutin ang isang bagay na sa marami ay parang imposibleng makamit.
I will never let my countrymen down and I will show the world that the Filipino fighter is the best. Gaya na rin po ng nasabi ng aking promoter na si Bob Arum na diumano'y nakapagsaliksik sa history ng World War II, alam niya na ang sundalong Filipino ang isa sa mga naging susi ng tagumpay ng buong mundo dahil sa kanilang tapang, tiyaga at kakaibang style ng pakikipaglaban. Alam ko po na dahil sa taglay na galing ng dugong Pinoy, magagapi natin ang kalaban sa Dec. 6 at tayong lahat ay magwawagi.
Hinihiling ko sa lahat ang pagkakaisa at sana, sabay-sabay at sama-sama tayo sa pagdarasal at paghangad ng tagumpay.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
Top photo, L-R: Freddie Roach, Manny Pacquiao, Franklin Gacal and Buboy Fernandez at East Los Angeles press conference Tuesday. Photo by Dr. Ed de la Vega.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
IBA embraces Bare Knuckle Boxing
Tue, 06 May 2025Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
Mon, 05 May 2025"THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
Sun, 04 May 2025Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
Sat, 03 May 2025