Mobile Home | Desktop Version




BAWAL MAGKASAKIT

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 18 Sep 2008



LOS ANGELES ? Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon saan mang panig ng mundo. Kadalasan ay sinasabi kong ako ay nasa mabuting kalagayan pero ngayon po, medyo tinamaan ako ng kaunting sipon, isang bagay na hindi ninyo dapat ipagkabahala.

Dumating po ako dito sa Los Angeles noong Linggo kasama ang aking mga pinagkakatiwalaang mga tinyente na sila Atty. Franklin "Jeng" Gacal Jr., Raides "Nonoy" Neri, at ang magkapatid na sila Boboy at Roger Fernandez galing ng Manila.

Sa airport pa lang, mainit na akong sinalubong ng aking mga fans at mga kaibigan. Hanggang sa aking apartment sa Los Angeles, tuloy pa rin ang pagdating ng sari-saring mga taga-suporta hanggang sa dinapuan na ako ng kaunting karamdaman.
Kasama na rin siguro ng jet lag at kawalan ng sapat na tulog, ang pabago-bagong temperatura at ang pagkalat ng virus sa tinatawag na flu season, kaya ako nagkasakit. Pati si Boboy ay tinamaan na rin yata ng sipon. Medyo may mga napansin akong mga bumisita sa akin may mga sipon pero hindi naman ako nababahala.
Masaya ako na makita ang marami sa aking mga fans at kaibigan at nitong nagdaang mga dalawang araw, ako ay nakapag-relax na ng kaunti sa paglalaro ng darts at golf.

Buti na lang at malayo pa ang laban, kung hindi, baka medyo ako po ay mag-aalala pa. Sa aking experience, mas mabuti pang magkasakit na ngayon kaysa sa tamaan ako ng karamdaman sa paglapit na ng laban. Blessing na rin ito dahil mahaba pa ang aking pagpapahinga. Kung minsan, kailangan nating pakinggan ang tinig ng Diyos na nagsasabi na kailangan nating pangalagaan ang ating katawan, huwag aabusuhin ito at medyo maghinay-hinay ng kaunti sa mga gawain.

Dapat po sana ay lilipad kami ng Martes ng hapon patungong Las Vegas, upang makipagkita sa aking promoter na si Bob Arum na binigyan parangal ng araw ring iyon pero dahil sa aking kalagayan, minabuti kong huwag na lang muna tumuloy. Minabuti kong magpahinga na lang at kumpletuhin ang tulog bago ko rin simulan ang pagsabak sa training.

Sa mga panahong ganito kung saan ako ay may kaunting karamdaman, ipinapaalala sa akin na hindi ako si Superman. Tinatablan din ako ng sakit at iyan ay dapat na mag-ingat lalung-lalo na sa paglapit ng laban. Siguro, medyo kailangan na ring umiwas sa maraming mga tao upang hindi makasagap ng virus.
Inuulit ko po ang panawagan sa aking mga fans at kaibigan na kung may mga nararamdaman na silang hindi maganda gaya ng sipon at ubo, sana naman ay ibahin na nila ang petsa ng kanilang pagbisita sa akin. Itong laban na ito ang pinakamatinding pagsubok sa aking career at hindi po biro ang makakalaban ko?si Oscar Dela Hoya, ang Golden Boy ng boxing.

Hinihiling ko pa rin na sana ay magkaisa tayong lahat sa laban na ito at ipagpatuloy natin ang pagdarasal sa isa't-isa upang sa huli, tayo ay magwawagi.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025