Mobile Home | Desktop Version




CROSS TRAINING

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 28 Aug 2008




GENERAL SANTOS CITY?Kumusta po ulit, mga ginigiliw kong tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon.

Habang naghihintay po ang lahat para sa susunod na mangyayari sa career ng inyong abang lingkod patungkol sa kung matutuloy ba ang pinaplanong laban namin ni Ginoong Oscar Dela Hoya o kung ibang boxer ang aking makakaharap sa katapusan ng taon na ito, ako naman po ay hindi nag-aaksaya ng panahon at abala rin sa paghahanda sa anumang mangyari.

Huwag po kayong mabahala, huwag kayong mainip. Ginagawa po namin lahat ng aming magagawa upang maayos ang lahat ng nararapat na desisyon para sa career at future. Mas maganda kung nag-iingat lang at hindi padalus-dalos sa paggawa ng mga desisyon dahil isang pagkakamali ay pagmumulan ng hindi wasto. Alam ko na ang Diyos ay may plano para sa lahat kaya naman, ipinauubaya ko sa Kanya lahat.

Pero bago ako magsimula sa pagte-training, ako naman ay nag-eenjoy sa mga bagay na aking kinagigiliwang gawin.

Bukod sa hinahasa ko ang aking katawan sa paglalaro ng apat na uri ng sports na walang koneksiyon sa boxing, kasama rin ang pagsasanay sa aking pag-iisip sa pagpapatuloy ng aking pag-aaral kahit sa loob ng aking bahay ito ginagawa. Siyempre, kasama ko ang aking pamilya kaya lalong enjoy.

Noong isang linggo, kami po ay pumunta sa Davao upang lumaro at lumahok sa paligsahan ng basketball at sa isang darts tournament. Sa bisperas ng Kadayawan Festival na ginaganap taun-taon sa siyudad ng Davao, sumali ang aking koponan sa mga palaro. Kinagigiliwan ko ang paglalaro ng basketball kasama ang aking koponan na aking sinusuportahan sa mga liga sa Visayas at Mindanao. Kahit na hindi buo ang team, sumali kami sa liga ni Mayor Rodrigo Duterte at Vice Mayor Sara Duterte. Kaming magkapatid na boxer, si Bobby, ay kasali at nag-enjoy kami na makita ang aming fans.

Bukod sa maganda ang laro dahil nae-exercise ang baga at paa, masaya ako na nabibigyan-aliw ang aking mga kapwa.

Sumunod naman ang paglahok ko sa isang darts tournament at masasabi kong marami akong natututunan sa larong ito, bukod pa sa paghahasa ng mata, isip at katawan, na sabay-sabay kumikilos sa bawat pagbato ng dart pin. Ngayon, mas lalo kong nauunawaan ang kahulugan ng kapangyarihan ng pag-iisip na dumudugtong sa katawan natin. Kapag talagang inisip mo na tatama ka sa bull's eye, malaki ang tsansa na masasapul mo ang sentro o kung saan man gusto mong patamain ang dart.

Kapag nanggigil ka, lalong hindi ka tatama. Parang boksing po pala ang darts. Pero hindi naman sa pagmamayabang, pumasok po ako sa Top 8, kaya masaya na rin ako.

Of course, I also love to play chess during my spare time. Kahit na marami ang nagsasabi na laro ng may isip ang chess, napatunayan ko na hindi ka magwawagi kapag hindi rin malusog ang iyong pangangatawan.

Marami ang hindi nakakaalam pero medyo matagal na po ako naglalaro ng golf at ngayong may tsansa ulit, heto, ako po'y nagsasanay at lalo kong kinagigiliwan ang larong ito. Masarap kasi dahil iba naman ang disiplina na itinuturo ng larong ito.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com




Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025