
GOLD SA 2012 LONDON OLYMPICS
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 24 Aug 2008
GENERAL SANTOS CITY -- Ang gumising sa bawat araw at makita na lahat tayo ay masaya, malusog at kuntento sa buhay ay isa sa mga himalang hindi natin masyadong binibigyang-pansin. Magandang araw po sa inyong lahat at sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon.
Nabasa ko sa pahayagan ngayong araw na bigo na naman tayo sa ating minimithing layunin na makakamit ng kahit isang gintong medalya sa Beijing Olympics. Sabi nga nila, better luck next time. Sana naman ay huwag na natin sisihin ang mga opisyal ng mga asosasyon na kinabibilangan ng mga hindi pinalad na mga kapwa ko atleta. Sana naman, huwag na rin natin kutyain ang mga hindi pinalad na atleta dahil naiintindihan ko na matindi rin ang kanilang sakripisyo.
Kung minsan po, kinakailangan ng kaunting suwerte upang manalo pero ako po ay sumasang-ayon at naniniwala na walang tatalo sa kasipagan at dedikasyon sa paghahanda para sa isang laban. Inaamin ko pong marami sa atin ang nabibiyayaan ng maraming talento ngunit kadalasan, hindi natin ito binibigyan-halaga at kusa na lang naglalaho ang regalo sa atin ng Poong Maykapal.
Gaya ko, mas maraming mga boxer ang may mas angking talento kaysa sa akin pero dahil po sa matinding pagsisikap, pagbubuhos ng buong sarili, pananalig sa Diyos at pagsasakripisyo ng todo sa paghahanda, nagawa kong maging karapat-dapat na tanghaling pound-for-pound best boxer sa mundo, isang karangalan na hindi ko naman pinanaginipan noong ako ay bata pa.
Nakita ko na lang sa sarili ko na umaasenso ako sa bawat taon ng pagsasanay dahil sa aking angking bilis at lakas. Malayo pala ang aking maaabot sa aking larangan at lalo akong nagpursigi na maabot ang mas mataas na antas o kalibre ng pakikipaglaban.
Sa tingin ko po, walang imposible kung lahat tayo ay mangangarap bilang isang bansa na umunlad, bagkus, makuha natin ang pinapangarap na gold sa susunod na Olympics, apat na taon mula ngayon.
Sa London Olympics sa taong 2012, kung ngayon pa lang ay paghahandaan na natin ang Olympics na ito at makakakuha tayo ng mga sponsors para sa mga atletang magbibigay ng kani-kanilang dedikasyon sa isang hangaring ito, hindi malayong makakamit na natin ang ginto.
Una, kailangan nating pag-isipan kung ano talaga ang mga sports events na kaya nating makakamit ng ginto. Alam na natin na ilan sa mga sports na ating kinagigiliwang panoorin ay hindi natin kakikitaan ng ginto. Kung wala tayong pag-asa, bakit pa natin kinakailangang pagtuunan ng malaking pansin ang pagbibigay ng suporta dito?
Pangalawa, ang pagpipili ng mga atleta na may potensiyal, talento, puso at isip at tamang pangangatawan ay importante. Ang mga atleta na magsasanay ay dapat nasa tamang sukat at edad, na sa taong 2012, ay triple na ang kanilang potensiyal at world-class na sila. Dapat lang din na ang mga batang atletang pipiliin ay mabigyan ng sapat na suporta sa kanilang pag-aaral o makakuha ng scholarship sa mga unibersidad. Kung kinakailangan nilang mag-aral sa bahay (home schooling) gaya ko, mas magaling. Kailangan kasi na may sariling training camp ang mga mapipiling atleta at magagaling ang kanilang coaches at nasa tamang sukat ang pagkain.
Marami pang mga dapat na asikasuhin. Tama lang din na makakuha ng exposure ang ating mga mapipiling atleta. Dahil dito, ang gobyerno at pribadong sektor ay dapat nagtutulungan. Asahan ninyo po na ako ay susuporta para sa ginto sa 2012.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025