
SA BAYAN NG MALUNGON
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 10 Jul 2008

GENERAL SANTOS CITY ? Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon.
Salamat po sa lahat. Salamat sa lahat ng aking mga kababayan na mainit na sumalubong sa akin sa buong Kamaynilaan at sa General Santos matapos nating mapanalunan ang World Boxing Council lightweight championship sa Las Vegas kontra sa kampeon na si David Diaz. Ang makita kong masaya ang aking mga kababayan kahit na sa panahon ng kahirapan ay sapat na rason upang magkaroon ako ng panibagong lakas kahit na maghapon na pumaparada sa matinding sikat ng araw.
Umulan man o umaraw, tuloy po ang saya nating lahat. Ito ay maliit na bagay lamang na aking maibibigay sa inyong lahat dahil alam ko, marami sa inyo ang nagdasal at umasa sa ating pagkapanalo.
I am very happy to meet old friends and all of my fans who also had to wait in line to see me pass by. I am happy because everyone is happy. Gusto ko mang kamayan kayong lahat, hindi ko po makakaya dahil na rin sa kakulangan ng oras at para na rin sa seguridad ng lahat. Oo nga pala, magaling na po iyong pamamaga ng aking kanang kamay na medyo nabugbog ng kaunti bunga ng suntukan na aking dinaanan.
Sa ngayon, nandito po ako sa General Santos upang magbalik-paaralan at tapusin ang aking college course sa Notre Dame of Dadiangas University. Sa araw ng Miyerkules, sumama ako upang makipag-celebrate sa mga mamamayan ng bayan ng Malungon upang ipagdiwang ang kanilang ika-39 na taong Foundation Anniversary.
Malapit po sa aking puso ang bayan ng Malungon dahil marami sa mga nakatira dito ay mga matatalik kong kaibigan lalung-lalo na ang kanilang Mayor na si Bong Constantino at ang kaniyang maybahay na si Mare Rose.
Bilang panauhing pandangal, ako po ay nagbigay ng speech at inspirational message sa mga mamamayan ng Malungon. Salamat po sa inyong imbitasyon.
Dahil na rin sa pagkakaibigan naming ng pamilyang Constantino, ako ay nangakong tutulong sa ikauunlad ng bayan na ito dahil alam ko, kahit na sa maliit na paraan, kaya nating bumangon mula sa kahirapan.
Dahil sa aking paniniwala na kayang magbago ang kahit na anong pamayanan kahit gaano man ito kaliit, kapobre o kagulo, basta magkakaisa ang lahat para sa ikauunlad ng lahat, walang imposible.
At napatunayan namin dito sa bayan ng Malungon na maaaring gumanda ang pamumuhay o ang kalidad ng buhay. Naayos ang mga daan, maliwanag ang mga kalsada sa gabi para masupil ang kaguluhan at inayos ang peace and order bukod pa sa marami pang ibang pagbabago.
Gaya ng sinabi ko sa speech ko, "To win without risk is to triumph without glory." Ngayong taon na ito, binabati ko kayong lahat at sana tulut-tuloy na ang pag-unlad nating lahat, hindi lang sa bayan na ito.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
Top photo: Pacquiao shakes hands with fans during a parade in his honor when during his arrival in General Santos last week. Photo credit: Tata & Roy of Pacland.
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025