Mobile Home | Desktop Version




Mga Taong Dapat Na Pasalamatan

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 06 Jul 2008




MANILA - - Magandang, magandang, magandang araw po sa inyong lahat. Alam kong maganda rin ang gising ninyo dahil kayo ay Filipino at ang dugo ninyo ay kagaya rin ng dugo na tumutulay sa aking mga ugat. Gaya ninyo, masarap at mahimbing ang aking tulog.

Parang isang panaginip lang ang naganap noong Sabado sa Las Vegas kung saan ay napanalunan natin ang World Boxing Council (WBC) lightweight title kontra kay David Diaz at kahit isang linggo na ang nakakaraan, mahirap pa rin paniwalaan na naipanalo ko ang laban at nagtapos ito sa knockout.

Nadinig po ng Panginoong Diyos ang ating mga panalangin kaya Siya dapat, una sa lahat, an gating dapat pasalamatan. Alam kong kung wala, kulang o hindi buo ang aking pananalig sa Diyos, lubhang mahirap ang manalo o di kaya ay matamo ang kahit kalahati ng aking tagumpay. I owe it all to God and I am nothing without Him.

Para sa aking pamilya, kasama na diyan ang tatlo kong anak at si Jinkee, ang aking maybahay, dahil kasama rin sila sa sakripisyo dahil halos dalawang buwan ang aking training sa Los Angeles.

Sa aking mga magulang, kayo ang walang-pagod na nagdarasal para sa aking tagumpay at alam ko, lalung-lalo na ang aking mama, ikaw ang isa sa mga nasasaktan kapag tinatamaan ako ng suntok. Salamat sa pag-aalaga ninyo sa akin noong bata ako at nang dahil sa inyo, lumaki akong maayos, may takot sa Diyos at may pagmamahal sa aking kapwa.

Sa Pangulo ng Pilipinas, Her Excellency Gloria Macapagal-Arroyo at ang mga kinatawan ng gubyerno, salamat sa inyong suporta. Sa buong sambayanang Pilipino, sa inyong walang-sawa at walang-tigil na pagdarasal, ito pong bagong belt ay aking alay sa inyo. Sana, umusad tayong iisa ang ating layunin, iisa ang ating patutunguhan?ang umunlad at magka-isa.

Sa aking coaching staff sa pangunguna ni coach Freddie Roach, Buboy Fernandez, Eric Brown, Nonoy Neri at Alex Ariza, you guys did one great job of creating a game plan that totally worked from bell to bell, from one ring post to the next. Without you, I would be totally blind and clueless when I faced Diaz.

To my promoter, Top Rank Inc. and Bob Arum, keep the good fights coming and I will continue to train well.

To the members of media for believing in me. Without you, there is no Manny Pacquiao, there are no big fights. Thank you for relaying to the people what I always do inside the ring: To give a good fight and make other people happy especially the people who love boxing. To the fans, you are the best fans in the world!

Para sa aking support group sa Pilipinas at Los Angeles, mula sa tagaluto, tagahugas ng pinggan, taga-drive ng sasakyan, tagabayad ng bills at taga-ayos ng paperwork, tagahimay ng masasamang kontrata at tagapagtanggol kapag ako ay agrabyado, taga-basa ng masasamang balita, taga-control ng crowd, ang pari na nagbibigay ng bendisyon kada bago laban at marami pang iba na hindi ko nabanggit. Pasensiya na po.

Maraming, maraming salamat sa inyong lahat.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All!

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025