Mobile Home | Desktop Version




SALAMAT SA INYONG DASAL AT SUPORTA

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 03 Jul 2008




LOS ANGELES, Ca. -- Magandang araw po sa inyong lahat. Nawa?y nasa mabuti kayong kalagayan.

By the time na lumabas ang kolum ko na ito sa Abante at sa internet, marahil ay nasa himpapawid na po ako, kasama ang aking asawang si Jinkee at ang buong Team Pacquiao pabalik ng Pilipinas.

Wala po akong kasing-saya sa naging tagumpay ko noong Sabado ng gabi sa Las Vegas, nang aking talunin si David Diaz.

Dahil po sa tagumpay na iyon ay nalagay na naman ang ating bansang Pilipinas sa kasaysayan - sa pamamagitan po ng pag-agaw ko ng WBC lightweight crown, para maging first Filipino boxer to win the coveted title, and most of all, the very first boxer from Asia to have won four titles in four different divisions.

Alam kong napakasaya ng bawat Filipino sa naging tagumpay ko. Tulad po ng lagi kong sinasabi, ang tagumpay ko?y tagumpay ng sambayanang Pinoy. Kayo po, aking mga kababayan ang inspirasyon ko sa bawat laban, maliban sa aking pamilya at mahal sa buhay.
Hiniling ko sa inyo ang ako?y ipagdasal sa laban ko kay Diaz at iyon po ay ibinigay ninyo sa akin. Kaya naman, nagpapasalamat po ako ng lubos sa suportang inyong ibinibigay sa akin. At huwag po sana kayong magsasawang sumuporta sa mga darating ko pang laban.

Tunay pong ang bawat pagsubok at hamon ng buhay ay nangangailangan ng ibayong pagsisikap para malampasan. Ganyan po ang aking ginawa.

Hindi po ako nakuntento sa kung ano ang taglay ko na bilang isang boksingero. Kaya po, pinaunlad pa namin ng aking coaching staff ang iba ko pong arsenal gaya ng aking kanan.

Naging epektibo po ang aking kanan sa laban namin ni David, bagay na hinulaan kong hindi niya inasahan.

Dahil hindi po ako nag-kumpiyansa sa laban, sa unang round pa lamang ay ako na ang umatake. Hindi ko ibig na bigyan ng pagkakataon si David na makapagbitiw ng suntok sa akin, dahil alam kong may taglay din siyang lakas.

Nasunod din po ang fight plan namin, at iyon nga po ang gamitin ng madalas ang kanan, at kailangang ako ang magdala ng laban.
At sa tulong ng inyong dasal, nakuha po natin ang isa na namang tagumpay.

Natutuwa po ako na kahit papaano ay nakapagdulot ako ng kasiyahan sa aking mga kababayan. Lalo na sa panahong ang mga kababayan natin ay dumadanas ng kalungkutan dahil sa pag-atake ng bagyong ?Frank,? gayundin ang trahedya ng paglubog ng barko na MV Princess of the Stars.

Kahit man lang bahagya ay nakapagdulot ako ng kasiyahan at nabawasan ang kalungkutan ng ating mga kababayan.

Lagi ko nga rin pong sinasabi, na kung maaari lamang akong lumaban araw-araw para magkaisa tayong lahat, o makabawas ako ng problema ng ating mga kababayan ay aking gagawin.

Sa araw ng Biyernes ay nariyan na po ako sa Pilipinas. Nais kong makapag-enjoy at bigyan ng oras ang aking pamilya, lalo na ang aking tatlong anak - Jimuel, Michael at Princess - na na-miss ko ng halos dalawang buwan.

Pagtuunan ko rin ng pansin ang pagpunta sa mga lugar na sinalanta ng bagyo, para makita kung paano tayo makatulong.
Habang nasa Pilipinas ako at nagpapahinga, ipaubaya ko naman sa aking promoter ang sunod ko na laban at malalaman din po nyo dito sa kolum ang bagay na iyan.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God bless us all!

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025