
PARA SA INYO ANG LABAN NA ITO
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 29 Jun 2008

LAS VEGAS, NV ? Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan habang binabasa ninyo itong kolum na ito. Alam kong ang iba sa inyo ay medyo apektado pa rin dulot ng pinsala ng isa sa mga matitinding bagyong dumating sa bansa nitong nagdaang linggo.
Marahil kasabay sa oras na lalabas na itong kolum na ito sa mga lansangan at sa mga newstand sa araw ng Linggo sa Pilipinas ay kasalukuyan na akong lumalaban para sa World Boxing Council lightweight championship sa Las Vegas, gabi ng Sabado naman dito.
Lubos akong naaawa sa mga biktima ng trahedya na dulot ng bagyong "Frank" at nagbigay na ako ng mga instructions sa aking staff sa Pilipinas na tumulong sa ano mang paraan upang makapagbigay ng kahit na panandaliang ginhawa at lunas sa mga pamilya ng mga sinalanta ng bagyo.
Alam kong iyong iba ay wala pang kuryente sa mga sandaling ito pero nais nilang mapanood ang aking laban. Ito lang po ang aking masasabi: Para sa inyong lahat ang laban na ito.
Gaya ng sinasabi ng lyrics ng aking kanta na kinompose ni Pare Lito Camo, gagawin ko ang lahat para sa inyo, kung ito ang dahilan upang magkasundo tayo. Ito ang tanging paraan? upang magkaisa ang kapwa ko Pilipino.
Sa oras ng pighati at kahirapan sa buhay na dinaranas ng aking mga kapwa Pilipino, inihahandog ko sa lahat ang laban na ito na gaganapin sa Mandalay Bay Resort Arena Events Center. Pagbubutihin ko na maipanalo itong laban na ito at kahit na ako ang paborito upang magwagi, hindi ako mahuhulog sa patibong ng pagiging over-confident sa laban.
Alam kong ang kakalabanin ko ay ang kampeon ng dibisyon at ako ay umaakyat upang agawin ang kanyang korona. Alam ko rin na hindi madali ang sagupaan na ito dahil pareho kaming nagnanais na manalo.
Mahaba at matindi po ang aking ginugol na panahon para sa paghahanda sa laban at gaya ng dati, ginawa ko ang mga maliliit na bagay upang makumpleto ang proceso patungo sa ipagtatagumpay nating lahat.
Bago ako lumaban at pagkatapos ng bawat fight, nagpapamisa ako sa loob ng aking kwarto sa The Hotel sa tulong ng Pilipinong pari na si Fr. Marlon Beof na galing pa sa New York, sa East Coast. Sila ang ilan sa mga taong malaki ang naitutulong sa akin upang makumpleto ko ang paghahanda sa pangangatawan, pag-iisip at sa ispiritwal na aspeto ng training at buhay.
Maginhawa ang aking pakiramdam at mas madali kong nakuha ang timbang sa pagkakataon na ito dahil ito ang una kong pasok sa 135 pounds na dibisyon. Sa tulong ninyo at ng inyong mga panalangin, magwawagi tayo at sabay-sabay ulit tayong titikim ng mga bunga ng ating tagumpay.
Hanggang sa muling Kumbinasyon! God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025