Mobile Home | Desktop Version




HANDANG-HANDA NA PO AKO

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 26 Jun 2008



LAS VEGAS ? Malugod ko pong binabati ang lahat ng aking mga kababayan at mga masusugid na sumusubaybay sa kolum na ito, pati na rin ang mga fans ng boxing. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan sa pangangatawan, pag-iisip at sa ispiritwal na bahagi ng inyong buhay.

Nandito na naman po kami sa Las Vegas matapos bumiyahe ang karamihan sa aking mga pamilya, kaibigan at miyembro ng Team Pacquiao noong Lunes ng hapon pagkatapos naming tapusin ang isang press conference sa Santa Monica Pier sa Los Angeles kasama ang aking katunggali sa Sabado (Linggo sa Pilipinas) na si David Diaz.

Sa apat na oras na biyahe papunta sa Las Vegas, maraming mga bagay ang aking naaalala mula noong nagsisimula pa lang akong sumikat at lumaban dito sa Las Vegas noong taong 2001. Iilan pa lang ang aking mga kaibigan at taga-suporta at wala halos nakakakilala sa akin.

Noong nilabanan namin ang kinakatakutang si Lehlo Ledwaba noong Hunyo 23, mga pitong taon na ang nakalilipas, wala pang gaanong balita at interes sa akin maliban na lamang sa pagkakasabi ni Larry Merchant, ang commentator ng HBO, na baka isinilang na o dumating na ang isa sa mga aabangang boksingero.

Habang nakaupo ako at nakasakay sa harap ng aking Navigator, ang unang sasakyan na nabili ko dito sa America, naalala ko ang malaking pinagkaiba ng aking buhay mula nang ako ay unang lumaban sa Las Vegas. Sa dami ng aking "pamilya," umabot sa 14 na sasakyan ang kasama ko. Marami pa ang darating bago sumapit ang laban.

Handa na po ako na harapin si Diaz matapos naming paghandaan sa gym ang kanyang istilo at mga galaw. Nakapag-spar ako ng 140 rounds at masasabi kong malapit ko nang makuha ang 100 percent na kundisyon sa katawan, pag-iisip at sa pang-ispiritwal na aspeto ng paghahanda.

Sa unang araw namin dito sa Las Vegas, magaan ang aking pakiramdam dahil maayos na ang lahat. Mula sa aking pagkain, hanggang sa aking hotel, sa mga gamit sa training, sa security at sa iba't-ibang bahagi pa ng paghahanda kasama na rin ang pari na magmimisa bago ang laban, may mga taong sumusuporta at umaalalay sa akin.

Sa laban na ito, medyo hindi ako mahihirapan na abutin ang 135 pounds dahil palagi akong lumalaban sa 130 pounds. Ito po ang kauna-unahang pagkakataon na lalaban ako sa dibisyon na ito at kakailangin ko pa rin ang lahat ng inyong panalangin. Mas malaki siyempre ang makakalaban ko at si Diaz ay kampeon ng WBC kaya hindi madali ang laban.

Sa umaga, nagrerelax ako sa paglalaro ng chess kasama si Fiscal Edilberto Jamora, tiyuhin ng aking butihing maybahay na si Jinky at naglalaro rin ng darts kasama sila Noel Lautengco, Archie Banas, Winchell Campos, Edward Lura at iba pa.

Kaunting tiis pa at sana, magwagi tayong lahat sa ating inaasam na titulo at pangarap. Ako po ay inspirado, mataas ang moral at masaya. Sana tuluy-tuloy na ang ating magandang kapalaran.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025